sundalo

4.3K 49 4
                                    

Mahal.
Alam kong di na kita maipagtatangol pa.
Hindi na kita kailanman makikita.
Hindi na kita gagambalain pa.
Hindi na ako ang iyong makakasama.

Gusto kong malaman mo.
Ang nararamdamang ito.
Matagal nang itinatago.
Na nahulog na ako sayo.

Sa sobrang pagkahulog ko.
Alam kong sinalo mo ako.
Alam kong minahal mo ako.
Habang minamahal kita patago.

Pasensya na kung hindi ko nasabi sayo.
Dahil ayaw ng pamilya ko.
Pero ikaw lang ang sinisigaw ng puso.
Sanay marinig mo.

Pasensya na kung hindi mo na ako makikita.
Pasensya na kung ganito ako nagpaalam sayo sinta.
Pasensya na kung di ko na maipaglalaban pa.
Pasensya na kung bumitaw ako bigla.

Alam kong may magmamahal pa sayo.
May magtatanggol pa sayo.
Pasensya na kung hindi ako nagpaalam ng ayos sayo.
Pasensya na kung bibitaw na ang iyong sundalo.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now