Bitaw na

5.5K 74 4
                                    

Bibitawan ko na.
Oo. Bibitawan ko na.
Pero bakit ang puso'y hindi kinakaya.

Ikaw yung nakapagpasaya.
Ikaw yung taong nakapagbigay sigla sa mga mata.
Noong mga panahong ang lungkot lungkot ko pa.
Nandyan ka lang sa tabi ko para umunawa.

Pero mali itong aking ginagawa.
Hindi na dapat ako bumabalik sa nakaraan nating dalawa.
Hindi ko na dapat pa sinasariwa pa ang masasayang ala-ala.
Dahil alam kong kakabit nito'y kalungkutan ang sa puso'y dala.

Kaya't heto na.
Bibitawan ko na.
Pero bakit hindi ko pa kaya.
Kailangan pa rin kita.

GUSTO KONG SUMIGAW.
SA AKING MUNDONG NAGUNAW
SA MGA NAKIKITA KONG BULALAKAW
PAKIUSAP SABIHIN NYO NAMAN!
PAANO BA BUMITAW?

Bumitaw sa pagmamahal na binigay nya.
Bumitaw sa pangakong binitawan nya.
BUMITAW! Oo bumitaw na sya.
Bumitaw na sya pero heto ako kumakapit pa.

Heto na.
Pero hindi ko pa kaya.
Hindi ko alam,
Kung kakapit pa ba o bibitaw na.

Hugot Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon