Muling Pagkikita

9K 114 5
                                    


Ulan.
Bumubuhos na naman ang ulan.
Kasabay ng pagpatak ng masaganang luha na tumulo sa aking mata,
Ng muli kitang nakita.

Ito na ata.
Ito na ata ang hiniling ko sa tala
Ang muli tayong magkita,
Kahit di natin makita ang isa't isa.

Alam kong nakalimutan mo na ako.
Pero bakit hindi ko magawang limutin ang isang tulad mo?

Bakit tumulo ang mga luhang,
Dapat hindi na nagpakita pa?
Bakit tayo pilit pinagtatagpo ng tadhana?
Bakit pinipilit nitong ipakitang wala na talagang pag asa.

Wala akong sama ng loob.
Kahit di mo man ako nakita o sadyang hindi mo na ako nilapitan pa.

Matagal ko nang tinanggap na wala na talaga.
Pero sadyang hindi ko lang kaya
Na muli kitang makita.

Hugot Spoken Word PoetryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora