Huling Pagkikita

4.8K 58 1
                                    

Guys hindi ko na kaya :( Send help guys. Ang sakit sa puso with matching song 'the great unknown' . Hindi na ako nadala sa katangahan ko. Haha.

***********
Huling Pagkikita:

Nanaginip ata ako.
Nanaginip akong nandito ka sa tabi ko.
Bangungot ba ito?
Sana hindi na matapos ito.

Narinig kong binigkas mo ang salitang 'Magandang Umaga.'
Kasabay niyon ay ang pagngiti ng iyong mata.
May ipaparating ka ba?
Maganda ba o masamang balita?

Nakatingin sa mga dahong nalalaglag sa puno.
Kasabay nito ay panandaliang saya ng puso.
Bakit ika'y nasa tabi ko?
Guni guni ko lamang ba ito.

Sinabi mong mahal mo ako.
Sa sobrang pagmamahal mo ay handa kang palayain ako.
Bakit ngayon mo sinasabi ito?
Sumasakit ang puso.

Dahan dahan mong hinawakan ang mga kamay ko.
Alam ko na ang ibig sabihin nito.
Natatakot na ako sa mga oras na ito.
Alam kong bibitawan mo na ako.

'Mahal kita.
Simula pa nung una minahal na kita.
Kaya lang alam kong hindi tayo para sa isa't isa.
Papalayain na kita.'

Sabay pumatak ang luha nating dalawa.
Alam kong huli na ang lahat, wala na tayong magagawa.
Hindi ko na kaya.
Bakit mo ito ginagawa.

Tama ang hinala ko.
Sa mga sandaling iyon binitawan mo na ang mga kamay ko.
Hinalikan mo ako sa aking noo.
Kaya't pumikit ako.

Kasabay ng pagpikit ng mata ko.
Ay ang paglisan mo.
Narinig ko pang sinambit mo.
Ang salitang 'mahal kita kaya't papakawalan na kita kahit masakit mahal ko.'

Bakit nadudurog ang puso?
Walang awat ang mga luhang tumutulo.
Bakit mo ginawa ito.
Kung kailan nahulog na tayo sa isa't isa mahal ko.

Wala na ang pagasa.
Pagasang maging ikaw at ako.
Maging tayo.
Wala na ang kasiyahan ko.

Palubog na ang araw.
Hindi totoo ang kasabihang may magandang pangyayari kasabay ng paglubog ng araw.
Wala na ikaw.
Wala na ang pangarap kong ikaw.

Ako'y magpapaalam na.
Sa tagpuang na tapos na ang lahat sating dalawa.
Wala na akong magagawa pa.
Alam kong iyon na.

Ang huling pagkikita.

Hugot Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon