Bibitawan

6K 56 2
                                    

Naalala na naman kita.
Naalala ko na naman ang 'tayong dalawa.'
Ang kalimutan ka'y di magawa.
Ang puso'y di maturuan magmahal ng iba.

Gusto kong bumalik sa dati.
Kung saan, lahat sayo'y pwedeng masabi.
Ang salitang 'mahal kita' ay nabigkas ng labi.
Sana ngayo'y hindi ako nagsisisi.

Mahal ko.
Kung makakabalik lang sa nakaraan.
Gusto kong baguhin ang ating kapalaran.
Sana di tayo nagkakilanlan.
Para wala nang masaktan.

Ngunit hindi na ako makakabalik pa sa nakaraan.
Iyon na ang nakatakdang mangyari sa ating kapalaran.
Ang kalimutan ka ay kailangan.
Alam kong iyon ang iyong kagustuhan.

Kaya't heto na.
Kahit hindi ko pa kaya.

Bibitawan na kita.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now