Hindi ko pa kaya

5.3K 54 2
                                    

Naririnig mo ba ang sigaw sa kalawakan?
Isinisigaw ang iyong pangalan.
Pangalan na hindi malilimutan.
Kasama ka ay kaligayahan.

May balak ka na ba?
Akala ko ba walang magpapaalam pa?
Meron na bang iba?
Pakiusap wag muna, hindi pa ako handa.

Hindi ko pa kayang bitawan ka.
Naririning mo ba?
Ibinubulong sa langit ang mga salita.
Mahal pa kita.

Wag mo munang bitawan ang mga kamay ko.
Habang nakatingin sa papalubog na araw, pakiusap wag dito.
Wag mo munang halikan ang aking noo.
Hindi ko pa kayang mawala ka mahal ko.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now