Segundo

4.1K 49 5
                                    

Isang segundo.
Kakayanin pa ng puso.
Kahit bibitaw na ang kamay mo.
Nakikiusap akong wag muna mahal ko.

Naalala ko yung sinabi mo.
"Kailangan nating iwasan ang pagibig dahil ito'y tuso."
Pero heto ako.
Nahulog na ng tuluyan sayo.

Pinaglalaruan mo na naman ba ako?
Nang sinabi mong maghintay ako?
Papaasahin mo na naman ba ang puso?
Pakiusap tama na. Durog na ako.

Pero tama nga sila.
Hindi nagkakatuluyan ang taong may gusto sa isa't isa.
Kahit anong gawin gagawa at gagawa ang tadhana.
Para paglayuin muli sila.

Ito na ang huling segundo.
Humakbang ka na palayo.
Babalik ka pa ba mahal ko?
O sadyang iiwan mo na ako?

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now