Gisingin

6K 75 4
                                    

Mahal.
Matutulog muna ako.
Gisingin mo na lang ako kung babalikan mo ako.
Gisingin mo ang puso kong nadurog nang dahil sayo.

Akala ko ba walang iwanan?
Akala ko ba hindi mo ako bibitawan?

Ngayon asan ka na?
Bakit bigla kang nawala?
Pwede bang maging multo ka?
Magparamdam ka naman aking sinta.

Dalawin mo ang puso ko.
Ang puso kong patay na patay sayo.
Gisingin mo ako.
Sa bangungot na ito.

Wala na bang magagawa?
Para ako'y balikan pa?
Pakiusap gisingin mo na lang ako.
Kapag mahal mo na ulit ako.

Hugot Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon