Maghihintay.

10.5K 104 3
                                    

Mahal.

Nandito na ako.
Nandito ako sa lugar kung saan tayo unang nagkatagpo.
Pero,
Bakit tila walang nagbago?
Simula nang lisanin natin ito.

Dito.
Dito nangyari ang unang ngitian.
Unang pagtatarayan.
Unang lambingan
At ang ating suyuan.
Ang pangakong di mo ako bibitawan.
Mga matang ako lang ang tinititigan.

Hindi parin ako makapaniwala.
Na ang lahat ay isa na lamang ala ala.
Hindi na natin maibabalik pa.
Ang nakaraan nating dalawa.

Mahal.
Patawarin mo at ako'y nawala sa piling mo.
Ipagpaumanhin mo ang hindi ko paghingi ng tawad sayo.
Ipagpatawad mong nahulog ako sayo.

Sinalo mo.
Sinalo mo ako sa pagkakahulog ko sayo.
Sinalo mo ang durog na durog kong puso.
Na kahit iba ang mahal mo.
Ipinaramdam mong ako parin ang sa huli'y pipiliin mo.

sana.
Sana tuparin mo ang iyong pangako.
Na kahit ano man ang mangyari.
Kahit magkita man tayong muli.
Ako padin ang pipiliin mo.

Ikaw.
Ikaw lang ang mamahalin ko.
Sana matandaan mo.

Hindi man sumangayon ngayon ang tadhana.
Baka sa ibang panahon tayo'y mapagbigyan na.

Oras na.
Oras na para lisanin ko na.
Ang tagpuan natin na puno ng masasayang ala ala.
Hindi hindi kita malilimutan.
Kahit sa ibang panahon pa tayo magkita.

Pangako.
Ikaw lang ang mamahalin ko.
Hindi ako magsasawang maghintay sayo.
Hanggang sa bumalik ka sa piling ko.

Te amo,
Mi amor.

Hugot Spoken Word PoetryМесто, где живут истории. Откройте их для себя