Dalawang Taon

22.7K 245 27
                                    

Requested by : MheyUgly
Sana naging malapit sya dun sa ni-request mo😊 Hope you like it😊
**********
DALAWANG TAON:

Mahal.
Dalawang taon na ang nakalipas.
Pero bakit tila ang pagibig ko para sayo'y di kumukupas?

Dalawang taon na.
Pero ang mga alaalang pilit na binubura,
ay pilit na nagpapakita.
Ang sakit na noo'y nadarama,
Hanggang ngayon ay hindi mawala.

Mahal,
Hindi ko sinasadya na saktan ka.
Hindi ko lang maiwasang di magselos sa mga babaeng iyong nakakasama.

Mga babaeng akala ko'y magugustuhan mo.
Mga babaeng akala ko'y may pagtingin din sayo.
Kahit na alam kong ako lang ang mahal mo.

Pero mali ako.
Aaminin kong nagkamali ako.

Noong nagtanong ka kung may pag-asa bang maging tayong dalawa,
Pinaasa kitang magkakaroon nga.
Yung mga panahong yun ako'y desperada,
Dahil baka mapunta ka sa iba.

Makalipas ang isang taon,
Unti- unti na nating di malaman,
Kung ano ang totoong nararamdaman.
Kaya ang sinabi ko sayo'y "pag-aaral muna ang ating pagtuunan."

Mahal,
Maniwala kang minahal din kita.
Kahit na parang ang labas ko para sayo'y pinaasa kita.
Pero kung tatanungin mo lang ang puso ko,
Sasabihin nitong "Minahal din kita."

At hanggang ngayon,
Kahit na lumipas na ang dalawang taon.

Mahal,
Mahal parin kita.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now