Bagong Simula

35.6K 408 21
                                    

Hindi ko alam kung tama bang pakawalan kita.
Dahil kung tutuusin hindi naman nagkaroon ng tayong dalawa.
Hanggang ngayon, hindi ko alam kung saan uumpisahan.
Dahil alam ko namang wala itong patutunguhan.

Pero salamat.
Salamat sa pagiging isang kaibigan.
Kailan may di kita malilimutan.

Pasensya na kung medyo tanga ako.
Nagpakatanga sayo.
Laging nagseselos sa mga babaeng kasama mo,
Kahit wala namang matatawag na 'tayo'.

Ang Tayo.
Na nauwi na lang sa ikaw at ako.
Mag-isang ipagpapatuloy ang takbo ng buhay.
Dahil ang pagiging magisa ay isang realidad ng buhay.

Salamat sa mga ala-ala.
Ala - alang hindi malilimutan.
Mga birong nating pilit tinatawanan
At ang maging tayo na pilit nating pinagdidiinan.

Pero ngayon,
Kailangan ko nang magsimula.
Magsimula ng bagong buhay nang hindi ka kasama.
Kaya kahit masakit kung gawin,
Mahal,patawad.
Kailangan na kitang palayain.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now