Takot

4.9K 64 2
                                    

Takot akong makakita ng multo.

Takot akong makuha ng isang aswang kapag magisa ako.

Pero higit sa lahat ang pinakakinatatakutan ko.

Alam mo ba kung ano?

Takot akong isang araw, bigla nalang mawala ang pagibig mo.

Takot akong baka may makita kang mas hihigit pa sa tulad ko.


Na ipapakita sayo ang totoong kahulugan ng pagibig.

Ipapadama sayo nito kung paano umibig.

Kung paanong kailangan mong maniwala sa mga salitang lumalabas sakanyang bibig.

Kung paanong kailangan mong sumabay sa ritmo ng kanyang himig.


Nakakatakot.

Nakakatakot isipin na baka hindi na ako ang hahawak sa mga kamay mo.

Na baka ibang labi na ang dadampi sa mga labi mo.

Na baka sa ibang tao mo na sabihin ang salitang "Mahal ko."


Kaya't inuunahan na kita.

Kung may balak ka mang magmahal na ng iba.

Pakiusap wag na.

Nakakatakot isiping iiwan mo akong magisa.


Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now