Scene 41 (The super duper last scene)

1.3K 56 28
  • Dedicated to ToMyself
                                    

Mico’s POV

“Maawa ka naman sa akin P’re”,tinignan ko na matalim ang nababakla yatang si Keith na kanina pa nagpapacute sa akin na samahan ko daw siya sa pupuntahan niya.

“Hindi mo ba nakikita na busy ako?”, singhal ko sa kanya saka ipinakita ang mga papeles na pinag-aaralan ko.

I am hands-on now sa pagmamanage ng mga negosyo namin simula ng nakagraduate ako ng college. Ito na rin ang ginawa kong diversion from her.

Damn, mahinang mura ko sa sarili ko ng maramdaman ko na naman ang pamilyar na sakit na ipinaramdam niya sa akin eight months ago.

“Gusto mo bang maging dull boy Mico? Hindi ka naman si Juan kaya sigurado ako hindi bagay sa iyo”, untag sa akin ni Keith na hindi pa rin pala umalis. Ewan ko ba kung anong nakain nito at ako ang ginugulo nito ngayon.

“Ewan ko sa iyo Keith. Tigilan mo nga yang pandidistorbo mo sa akin.”

“Oo na titigil na ako sa isang kondisyon samahan mo na ako”,talaga naman ang kulit talaga nito. Parang high-schooler na spoiled brat kung mangulit.

I guess I don’t have a choice kaya tumayo na lang ako pagkatapos kong mailigpit ang mga binabasa ko ay naglakad para simulang ligpitin din si Keith pero loko lang.

Nakita ko naman lumapad ang ngiti ni Keith. Seriously bakla ba ito?

“Bro hindi ako bakla mas madami pa nga akong babae kesa sa iyo okay scratch that wala ka palang babae”, sabi nito saka humahalakhak.

Tumigil lang ang paghalakhak niya ng batukan ko siya. Ewan ko ba kung bakit ko naging kaibigan ito.

“Where to?” tanong ko sa kanya ng pasakay na kami sa kotse ko.

“Ako na ang magda-drive bro. Ayokong mapagod ka”, nakangising sabi ni Keith sa akin at bago pa ako mainis sa kanya ay nagpatianod na rin ako sa gusto niya.

Nagkamustahan lang kami habang nasa biyahe kaming dalawa at nangungulit pa rin siya na tanggapin ko daw maski isa sa mga offers para sa akin.

Either I will become a music artist or a professional basketball.

“I’m still thinking about it”, sabi ko na lang sa kanya para matahimik na siya.

“Paano kung bumalik siya Mico?”, napatingin ako kay Keith sa tanong niya. Nawala ang playful mood nito at naging seryoso ito.

“I don’t mind and I won’t care”, sabi ko sa kanya na may halong inis sa boses ko.

“Will you hear her out?”

“Para saan pa? She decided to leave on her own kung babalik man siya it won’t be on my business anymore”, matigas na sabi ko kay Keith at naiinis ako sa sarili ko dahil aware ako sa paglakas ng tibok ng puso ko when Keith started mentioning on her possibility of coming back.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now