Scene 33

1.9K 36 11
                                    

Scene 33

Phoebe’s POV

“HINDI KAMI NANINIWALA!”,aray naman! Kawawa ang tenga ko dahil sa sigaw ni Ate Thea at Ate Dana.

Hula ko kung hindi sila naging tennis player ay tiyak na cheerleaders sila.

“Hindi nga kami”, insist ko sa kanilang dalawa. Nandito kami sa mga maliliit na cottages. Dito kasi ako hinila nilang dalawa pagkatapos silang paringgan ni Mico tungkol sa aming dalawa.

“Eh bakit may tatlong beses na halikan?”, nandidilat na tanong ni Ate Dana.

“O kaya yung slept together na peg?”, kinikilig namang sabi ni Ate Thea.

“DON’T TELL ME HINDI YUN TOTOO?”, ayan na naman yung duet na questioning style nilang dalawa.

Bigla naman akong natahimik. Eh kasi naman totoo naman yung sinabi ni Mico. We kissed three times and we slept together in one bed noong nasa Tagaytay.

“Oh kita mo na. Totoo talaga yun noh?”, napaigtad ako sa hampas effect na ginawa ni Ate Thea na para bang naka-jackpot siya.

“Baby girl naman. Alam namin na gwapo si Mico Boy pero paano kung mabuntis ka niya”, litanya ni Ate Dana na ikinabilog ng mga mata ko.

“Hindi ka niya pananagutan? Tiyak na magiging dalagang ina ka at ilalayo ka sa amin nina Tita at Tito. Mawawala ang napakagandang baby girl namin. HuHuHuHuh”, eksaheradang dagdag na litanya ni Ate Thea na sinundan pa ng paghagulgol nilang dalawa ni Ate Dana.

Habang ako naman ay nakamaang na nakatingin sa kanya.

Anong mabubuntis? Ako? Bakit? Then namilog ang mata ko. wahhhhhhhhhhhhhhh!!!

“ATE!”, pukaw ko sa pekeng hagulgol nilang dalawa.

“Bakit baby girl? Buntis ka na ba? WAhhhhhhhhh”

Napapikit na lang ako sa pinagda-drama nilang dalawa.

“Aixt kayo na talaga. Wala naman sigurong nabubuntis kung nagtabi lang sa pagtulog di ba?”

“WHAATTTT? Nagtabi lang kayo? Hindi kayo nag-ganun?”, tanong ni Ate Thea na may ginawa pang weird na action.

“Hindi. Harmless sleeping together ang ginawa namin”, simpleng sabi ko ng medyo nakahinga na

“Ay sayang naman. Aray!”, napaigik si Ate Thea ng binatukan siya ni Ate Dana.

“Aixt bakit naman na sayangan ka. Mabuti nga yon sira ka talaga”, sermon ni Ate Dana sa bestfriend niya.

Si Introvert at ExtrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon