Scene 3

4.7K 42 13
                                    

 

Phoebe’s POV

“Oh my God Phoebe anong nangyari sa iyo?”, bungad sa akin ni Mommy.

Nabigla siguro siya dahil para akong batang gusgusin.

Nilinis ko kasi ng mabuti ang kalat na ginawa ko sa kalye. Kakahiya kasi kabago-bago ko pa lang may naging atraso na akong nagawa.

“I’m sorry Mom, hindi ko po sinasadya ang nangyari”, apologetic ko na sabi kay Mommy nang ginagamot na niya ang sugat ko sa kamay na medyo dumami dahil sa paglilinis ko kanina.

“It’s okay Phoebe, it was an accident” nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

Kahit na sinabi iyon ni Mommy ay medyo guilty pa rin ako.

“Ganyan ka ba talaga?” maya-maya ay tanong ni Mommy pagkatapos niyang gamutin ang mga sugat ko.

“What do you mean Mom?” takang tanong ko naman.

“Yang ganyan na para bang hindi mo iniintindi ang sarili mo at mas inuuna mo pa yung iba. Kagaya kanina, ikaw na nga itong nasugatan ay ikaw pa itong nag-sorry sa akin.”

I just smiled. Hindi lang si Mommy ang unang nagsabi sa akin ng ganyan. Si mommy Tess din kagaya noong bata pa ako.

The incident where I temporarily lost my sight.

It was when I was 3 years old. I was playing in the park with his Mom and Dad when my ball rolled away from the place where we were seated.

Hinabol ko ito at doon nangyari ang aksidente. Nabangga ako ng isang batang lalaki na may hawak-hawak na stick and the stick accidentally prick in my left eye.

Hindi ko maintindihan ang sakit na naramdaman ko sa mga mata ko at that time.

Natakot ako ng biglang dumilim ang isang bahagi ng paningin ko and when I cried nakita ko ang pulang likido na umaagos sa mga mata ko.

I went hysterical at hindi ako narinig agad nina Mommy at Daddy.

When the boy suddenly hugged me and whispered.

“SHHHHHH you will be alright don’t worry my Mom is a guardian Angel”, ewan ko ba kung anong magic ang nasa kanyang sinabi at napatahan niya ako.

Then I realized it is not what he said that made me calm. It’s his voice. Yung boses nya na puno ng assurance.

Then after that when I am still in his arms ay bigla akong nanghina at nawalan ng malay.

Pagkagising ko ay may mali sa paningin ko pero hindi ako natakot. Bakit ako matatakot?

Di ba sabi nya babantayan ako ng Mommy nya na guardian Angel?

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now