Scene 31

2.1K 36 23
                                    

 

Phoebe’s POV

“Paz nood tayo ng chick flick”, nakangiting yaya sa akin ni Mico na hawak-hawak ang My Sassy girl na cd.

Saan nya yan napulot? Sa pagkakaalam ko ay wala naman si Kuya Kirk niyan.

Nakaka-tempt ang offer ni Mico pero hindi ko siya pinansin saka binalingan si Ate Sam na tahimik na kumakain.

“Ate Sam nood tayo ng horror movie”, nakita kong sumimangot si  Mico pero hindi ko siya pinansin.

Dalawang araw na kami dito sa New York pero hindi pa rin siya nag-eexplain sa akin about that 4 months of absence niya.

Kaya heto ngayon deadma siya sa akin.

Mabuti na lang talaga at kapatid ako ni Kuya Kirk kaya ako talaga ang kakampihan ni Ate Sam kaya si Ate Sam sumama sa akin sa pagnood ng horror movie.

Habang nanonood kami ni Ate Sam ay hindi ko nakita si Mico. Wala naman kasi itong kahilig-hilig sa horror.

Pero nang nasa kalagitnaan na kami ni ate Sam sa movie ay nakita ko ang hinahanap ko na may dalang isang bowl ng popcorn.

“Paz, naghanda ako ng popcorn”, anunsiyo niya saka nilapag ang popcorn sa harapan namin ni Ate Sam.

Siniko naman ako ni ate Sam na para bang sinasabing pansinin ko si Mico pero hindi ako kumibo.

“Thanks Mico boy”, sabi ni Ate Sam na nilantakan ang pagkabango-bangong popcorn ni Mico.

Pero ako deadma pa rin sa popcorn at sa kanya kahit na naglalaway ako sa popcorn.

“Hindi mo gusto ng popcorn Paz?”, tanong sa akin ni Mico.

Hindi ako nagsalita at nakita kong sumimangot siya. Alam ko na he’s already mad.

“P ang sarap ng popcorn, ayaw mo talaga baka maubos ko ito.”, pang-iinggit sa akin ni Ate Sam.

“Mas gusto ko yata ng French fries Ate Sam”, sabi ko kay Ate Sam na ikinangisi ni Ate Sam.

Ilang sandali naman ay dumating si Mico na may dalang French fries na hula ko ay galing sa isang fast food chain.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now