Scene 6

4.2K 39 6
                                    

 

Phoebe’s POV

2 months after.

I am a certified AU student.

Katatapos ko lang kasi mag-enroll and by now ay nagstroll na ako around the campus wherein ang busy na ng iba’t ibang orgs na nagrerecruit ng mga panibagong members.

I have an org na gusto kong salihan but hindi pa sila nagpapa-audition. The good thing is  hindi pa ako masyadong loaded this sem kaya madami akong time for my future org.

Nang umabot na ako sa gym ay napatigil ako. Tiyak walang tao doon kasi break din ng varsity team at pagsecond sem na ay wala na sila masyadong laro.

I sighed nang maalala ko na dalawang buwan na pala mula noong napagkamalan ko si Mico na janitor pero parang kahapon lang nangyari at nararamdaman ko pa rin ang malakas na kabog ng aking dibdib noong kinukuhanan ko siya ng picture.

Hindi man siya nakangiti habang nakatingin sa camera ko ay nakikita ko ang intense niyang tumingin. Madami na rin akong nakuhanan ng larawan sa States na lalaki at iba’t ibang kulay ng mata meron sila pero iba talaga si MIco.

Para bang automatic na nangatog ang tuhod ko the moment na tumingin siya sa akin.

Dalawang buwan ko na din siyang hinihingan ng apology dahil sa maling akala at dalawang buwan na rin nya akong dene-deadma.

Nandun yung magdadala ako ng extra drinks nya during practice nila at ibibigay ko sa kanya but what he will just do is look at me coldly at hindi tatanggapin ang alok ko na inumin.

Isa pa ay naisipan kong dalhan sila ng pizza sa last practice nila before the championship game but he chose to eat chewing gum kesa sa dala kong pizza na kahit anong pilit nina Kuya na kumain siya ay dedma pa rin siya.

Nagawa ko ding magvolunteer na water girl ng team nila para lang mapatawad nya ako pero mas lalo yata siyang nairita sa akin.

But despite sa mga pinapakita nya sa akin ay hindi ako galit sa kanya, infact I understand him kasalanan ko naman talaga.

Ang hindi ko lang gusto ay yung aware ako ng lumalakas lalo ang attraction na nararamdaman ko for him.

Timang na yata ako dahil mas nasisiyahan ako kung binubulyawan nya ako kesa sa ngitian ako at bolahin nina Mikee at Keith.

Close na ako sa dalawa dahil despite sa warning ni Kuya sa akin ay hindi ko mapigilang kaibiganin sila and I am not worrying na baka ligawan nila ako dahil I clear to them already na hindi ako nagpapaligaw.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa gym at medyo may naaninag ako na parang may naglalaro ng basketball habang may humihikbi din.

At dahil kakapanuod ko pa lang ng Conjuring at Insidious chapter 2 ay biglang nakaisip ako ng mga creepy na kaisipan.

Si Introvert at ExtrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon