Scene 14

3.5K 41 13
                                    

Phoebe’s POV

“ANO BA!”,napaigtad halos lahat ng tao na nandito ngayon sa loob ng music building sa bulyaw ni Mico.

We are having our regular practice para sa musical play ng club namin this coming Christmas season. It is a play based on the animated film Aladdin pero binigyan ng makabagong twist ng aming grupo headed by our over-all director na si Mico.

Sa nakalipas na dalawang buwan ay ito ang pinakakaabalahan namin bukod sa aming mga kaniya-kaniyang school works but not on  my part  dahil bukod sa school works at itong play na ito ay abala rin ako sa pagtuklas kung sino talaga ang pasimuno ng mga pranks and bashes  na natatanggap ko this past two months.

Dahil after the incident sa locker ko ay nagsunod-sunod pa ang mga nangyari sa akin. Nandun yung nalock ako sa loob ng girls restroom, halos araw-raw din akong nakakatanggap ng notes stating many harsh words against me at ang pinaka-latest ay ang pagkabasag ng salamin ng kotse ko.

I have a feeling na ang purpose ng kung sinuman ang gumagawa ng mga iyon ay yung aalis ako dito sa AU pero no way hinding-hindi ako aalis dito dahil hindi ko pa rin nakukuha ang interes ni Mico.

Na lalong lumabo dahil two months na rin niya akong iniiwasan at tintratong hindi kakilala at hindi nakikita. Simula ng sinabihan niya akong kaya hindi ako interesado sa kanya dahil kay Keith na mas lumala pa dahil Keith is one month na din na nagpahayag ng panliligaw niya sa akin and eventhough I made clear to him na pagkakaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa kanya ay hindi pa rin siya tumitigil.

“Mahirap bang gawin ang parteng yan?”, nakabalik ako sa kasalukuyan ng narinig ko na naman ang pagsusungit ni Mico.

“Josh bakit hindi mo maiangat ng mabuti si Jamie?”

“Mr. Pres kasi nahihirapan ako sa tela ng damit nya.”, paliwanag ni Kuya Josh na siyang gumaganap na Aladin. Ang eksena kasi ay ang pagbuhat ni Aladin kay Jasmine habang kumakanta ito.

“Eh anong gusto mo walang susuotin ang kapareha mo?” mainit ang ulong sabi niya kay Kuya Josh. Nakita kong nanahimik lang si Kuya Josh dahil siguro sanay na siya sa kasungitan ni Mico at sabi nga nila ay naiintindihan nila si Mico dahil nagsusungit man ito ay parati namang nasa lugar.

“I’m sorry Mr. Pres.” ,hinging paumanhin nina Jaimie at ni Josh.

“Step aside”

“Huh?” naguguluhang tanong ng dalawa.

“I said step aside” mariing ulit ni Mico. Naguguluhan man ay umatras halos lahat ng tao na nasa entablado ngayon maliban sa akin na nakaupo sa sahig kasama ang mga costume since ako ang naatasan sa mga costumes nila. Hindi na lang ako kumibo since busy ako sa last minute adjustments sa mga costumes.

“I will show you the proper way of lifting your partner whatever fabric they are wearing.”, sabi niya na tumuntong sa bahagi na may tela na nagsisilbing magic carpet.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now