Scene 4

4.5K 45 15
                                    

Mico’s POV

ARGGGGGGGGGGGGGHHH

Kainis ala-una na ng madaling araw hindi pa rin ako makatulog.

May lahi yatang mangkukulam yung babaeng yun.

At hanggang ngayon ay hindi pa ako pinapatulog.

Kainis!

Himutok ko sa sarili ko na bumangon na para pumunta sa mini-bar ng bahay.

Mga sampung minuto na din akong sumisimsim ng alak ng narinig kong bumukas ang pinto ng mini-bar.

“May problema ba Mico?”, tanong sa akin ni Tito James.

“Hindi ho ako makatulog Tito” simpleng sabi ko na uminom sa hawak ko na baso.

“A girl?” diretsong tanong sa akin ni Tito.

Napatda ako sa tanong ni Tito.

Magsisinungaling sana ako pero hindi ko pa iyon nagagawa kay Tito at ayaw kong gawin iyon dahil sa isang babae.

“Someone said to me that she likes me”

Narinig kong tumawa si Tito.

“What’s new with that? Di ba sabi nga ni Mikee ang dami mo ngang stalker sa school nyo?”

“Tito she’s different.”

“In what way?”

“She said that with full of sincerity in her eyes”, iyon ang nasabi ko kay Tito James kasi iyon talaga ang nakita ko kanina.

Madami ng beses na nasabihan ako ng ibang babae na I like you minsan nga ay may nagsabi na rin sa akin ng “I love you” pero wala iyong epekto sa akin.

“At affected ka.  That’s a first Mico” sabi ni Tito na nagsalin din ng alak sa baso.

“No I’m not I mean a little bit. Ahh ewan ko ba Tito maybe because I hate her guts telling that to me eh unang beses pa lang kami nagkita.”

“TSsssssskkk I hope you won’t get into trouble because of that girl Mico” palatak ni Tito James pero maaninag mo pa rin ang kaseryosohan sa boses nito.

Napailing na lang ako at napatingin kay Tito at doon ko napansin na malungkot ito.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now