Scene 20

2.9K 50 17
                                    

Phoebe’s POV

“Sino siya?”

“Who is she?”

Napalunok ako. In fact pang-limang beses ko na yatang mapalunok simula ng dumating kami ni Mico sa malapalasyong bahay nila.

At hindi ko alam na dito pa lang sa garahe nila ay sasalubongin na ako ng tatalong hari. Tatlong naggwagwapohang hari.

Hindi ko alam na mala-diyos sa Olympus ang mga Tito ni Mico. Pero parang mga kontrabida naman ang mga ito sa pelikula sa sama ng tingin sa akin.

How could I forget, allergic pala ang mga ito sa mga babae.

They are eyeing on me like isa akong invader. Hindi naman naman silang tatlo. Yung isa pa nga na sa tingin ko na pinakabata sa kanilang tatlo ay nakangiti.

Pero yung dalawa ay parang kakainin ako ng buhay kaya napakapit na lang ako kay Mico.

“Tito this Phoebe, Kirk’s sister”, kalmadong pakikilala ni Mico sa akin sa kanyang mga Tito.

“He-hello po sa inyo” sabi ko at ngumiti ng kaunti. Kasi naman nanginginig talaga ang tuhod ko sa tingin ng dalawang Tito ni Mico sa akin.

“So you are Phoebe” ngumingiting sabi sa akin ng pinakabata sa kanilang tatlo.

“You know her?” dumadagundong na tanong ng dalawang Tito ni Mico sa Tito na ngumingiti sa akin.

“Oo nabanggit siya sa akin ni Mico”, nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa Titong palangiti ni Mico.

“What?”, napaigtad ako sa singhal ng isang Tito ni Mico. Bakit bawal bang banggitin ang babae sa kanila?

“Kuya, relax, tinatakot niyo naman si Phoebe”, saway ng palangiting Tito ni Mico sa suminghal na Tito ni Mico.

Aixt ng gulo! Kasi naman hindi ko alam ang pangalan nila.

“By the way Phoebe I am James, just call me Tito James” naglahad ng kamay ang palangiting Tito ni Mico.

“Huwag kang paapekto sa mga gurang na yan” dagdag nito habang kinakamayan niya ako.

Medyo nabawasan ang kaba ko dahil sa ngiti ni Tito James.

Pero bigla itong bumalik ng:

“JAIME!”, ayan na naman ang mga golden-scary voice nilang dalawa.

“Sila nga pala ang mga KUYA ko, Kuya Rex” turo niya sa tito ni Mico na medyo singkit.

Si Introvert at ExtrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon