Scene 16

3.6K 37 13
                                    

Phoebe’s POV

“First love?”

“Wala”

“First crush?”

“Wala”

“Celebrity crush?”

“None.”

I rolled my eyes sa mga sagot ni Mico.  Nandito kami sa isang boutique ngayon pumipili ng isusuot niya sa victory party ng club namin and since pumayag siya na makipag-date sa akin ay napagkasunduan naming dalawa na bago kami magdate ay dapat may getting to know each other kaming dalawa.

Oo na,  kaming dalawa na ang maarte. Eh kayo ba naman ang makikipagdate sa isang lalaking introvert na nga ay wala pang hilig sa babae tingnan ko na lang kung hindi din kayo humingi ng getting-to-know-each-other stage.

Mahirap ng mabulilyaso ang hirap pa naman niyang hingan ng date.

“What’s with that reaction? Bakit sa States ba ay kinukulong ang mga taong ganyan ang mga sagot?”, masungit niyang tanong habang binibigyan ng masamang tingin ang mga saleslady na nag-aatempt na tulungan siya sa pagdadala ng mga nakikita niyang damit.

“Hindi naman pero hello, 2013 na kaya. Hindi lang talaga ako makapaniwala na meron pang lalaking katulad mo”, tumatawang sabi ko habang nagkukumahog sa pagdadala ng damit niya na imbes ibigay sa mga saleslady ay sa akin niya ibinibigay.

“It’s just you’re not an ordinary guy.”, dagdag ko.

“That’s the reason why you ask me on date Tisay because I am not an ordinary guy.”

“Mali ka doon, I ask you to date me because I like you” sabi ko sa kanya with a sweet smile ignoring the reactions of the saleslady around us. Pakialam ko ba sa kanila.

Nakita ko naman si Mico na sinamaan na naman ng tingin ang mga saleslady.

“Tigilan mo nga yang ganyang tingin mo at baka biglang may bumulagta rito” bulong ko sa kanya.

“Tssss, bakit ba kasi sila nakikinig sa usapan ng may usapan” nayayamot niyang sabi. Napapansin din pala niya na kanina pa nakikinig ang mga ito sa amin.

“Sungit mo talaga Nognog”, pabirong sabi ko sabay pisil sa ilong niya.

“Lika na at e ju-judge ko pa ang mga napili mong mga damit.”, sabi ko sa kanya habang hila-hila ang kamay niya.

'''''''''''''''''''''''''''''

“That looks good on you”, nakangiting komento ko sa kanya habang suot-suot niya ang white long sleeve.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now