Chapter 7

14.3K 315 5
                                    

UMAGANG-UMAGA nang makatanggap si Francis ng tawag mula sa kapatid na si Faye.  Niyaya siya nitong makipagkita sa café na malapit lang sa condo niya.  

Wala siyang pasok ngayon kaya agad siyang pumayag.  Besides, gusto rin niyang makita ang kaniyang little sister.  Mahigpit na yakap at isang halik sa pisngi ang isinalubong niya pagdating nito.  Pagkatapos ay nag-order sila ng breakfast at nagkumustahan sila habang kumakain.

"Kumusta naman ang pag-aaral mo, Faye?" tanong ni Francis.

Kapansin-pansin ang pagbagsak ng balikat nito.  "Okay naman."

"Are you sure?  Sa hitsura mo, parang ang hirap paniwalaan na okay ka lang.  Is there something that's bothering you?  Kung ano man 'yon, you can always tell me," magiliw niyang sinabi.

"I'm not here to talk about me.  Kaya ako nakipagkita ako sa'yo ay para sabihin ang isang bagay na tiyak na ikaka-bother mo, Kuya."

"What do you mean?"

"Gusto kang i-arrange ng kasal ni Daddy sa anak ng kaibigan niya, at balak niyang i-announce ang engagement ninyo sa mismong anniversary party ng FontaGo."

"What?!"  Now, he's bothered.

"Aksidente ko lang na narinig na pinag-uusapan 'yon nina Mommy at Daddy kagabi.  Naisip ko lang na sabihin sa'yo dahil mukhang hindi mo 'yon alam, at tama pala ako."

"Hindi ako makapaniwala," aniya habang napapailing.  Sobra na ang pakikialam niya sa buhay ko.  Binalingan niya ang kapatid.  "Faye, salamat at sinabi mo ito sa akin."

---

Pagkagaling sa café ay dumiretso si Francis sa De Blanco Law Firm ng kaibigan niyang abogado na si Julius De Blanco.  Galit niyang isinumbong dito ang ama at pagkatapos ay mayroon siyang ipinakiusap.

"Ano?  Gusto mong ihanap kita ng babae na magpapanggap na girlfriend mo?"  Halatang nabigla si Julius nang marinig ang pakiusap ni Francis.

"Oo, sana pare.  Marami akong mga kakilala ng babae pero ayokong humingi sa kanila ng favor.  Isa pa, bihira lang sa kanila ang matino.  Sa'yo ako lumapit dahil alam kong matitino ang mga babaeng kakilala mo."  Kumpara sa kaniya, ang bestfriend niyang si Julius ay good boy, kaya good friends lang din ang meron ito.  Matapos mag-top sa board exams ay agad nitong sinimulan ang pagtatayo ng sariling law firm.  Sa sobrang busy sa trabaho ay nakakalimutan na nito ang mag-libang o ang makipag-date man lang.

"Is that a compliment?  Thanks, ha.  Pero, ikaw na rin ang nagsabi, eh.  Matitino ang mga babaeng kakilala ko.  Sa tingin mo ay papayag sila na magpanggap na girlfriend mo?  Ang gusto mong ipagawa ay katumbas na rin ng panloloko.  At walang matinong tao ang manloloko ng kapwa niya," paliwanag nito.  "Bakit nga ba kailangan mo pa ng ganyang pakulo?  Huwag kang magpakasal kung ayaw mo, gano'n lang kasimple."

"Hindi 'yon gano'n ka-simple, Julius.  Ang gusto ko ay ang ipamukha kay Dad na hindi niya ako maaring diktahan sa kung ano ang dapat kong gawin.  Hindi ko siya hahayaang makialam sa buhay ko at lalong hindi ako papayag na siya ang pumili ng babaeng pakakasalan ko.  Minsan na niyang sinira ang buhay ko dahil sa pakikialam niya, I won't let that happen again.  Gusto niyang gumawa ng eksena sa anniversary party ng FontaGo, by announcing my engagement?  Puwes, mapapahiya lang siya dahil ako ang gagawa ng eksena by bringing my girlfriend to that party.  Kaya kailangan ko ng babaeng isasama ko sa party na 'yon and pretend to be my girlfriend," paglalahad niya ng kaniyang plano.

Bumuntong-hininga ang kaibigan niya, pero mukhang naiintidihan naman siya nito.  "Sige titingnan ko kung may mahanap ako.  Next week pa naman ang party 'di ba?"

"Salamat, pare."

---

Nakahinga ng maluwag si Francis ng ibalita sa kaniya ni Julius na nakahanap na ito ng babae na magiging fake girlfriend niya.  Pagsapit ng gabi ng party ay pinapunta siya nito sa isang salon upang doon sunduin ang babae.

"Where is she?" tanong niya kay Julius pagkababa ng kotse.  Pinagtinginan siya ng mga dumadaan dahil sa magara niyang porma.

"Nando'n sa loob at nag-papaayos.  Binilihan ko na rin siya ng magandang damit na bagay sa party na pupuntahan niyo.  Kaya lang, medyo may edad na siya.  Okay lang ba sa'yo?"

Nag-panic siya.  "Ha?  Paanong may edad?  Baka naman magmukha siyang sugar mommy ko." 

"Hindi naman.  Actually, she's pretty kahit nasa late 30's na. Lalo na siguro kapag inayusan."  Maya-maya at napatingin ito sa pinto ng salon kung saan may lumabas na magandang babae na nakasuot ng eleganteng black long gown.  "Oh, there she is.  Look at her.  She's pretty right?  Hindi halatang mas matanda kaysa sa'yo."

Sandaling nagkatitigan sina Francis at ang babae saka sila sabay na nagsalita.

"Ikaw?!"

Kulang na lang ay sampalin ni Francis ang sarili para malaman kung nananaginip lang ba siya.  Hindi niya maitago ang pagkadismaya nang muli niyang tingnan ang kaniyang magiging fake girlfriend.  

Naman oh! Bakit siya pa?

A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon