Chapter 6

12.8K 283 3
                                    

BAGO tumuloy sa kaniyang work station ay dumaan muna si Alice sa comfort room para mag-retouch ng make up. 

Dismayado siyang napataas ng kilay sa dami ng mga babae sa loob na gaya niya ay nag-aayos din ng mukha.

"Uy, Alice, ikaw pala.  Good morning," masiglang bati ng kasamahan niyang si Sara habang abala sa pag-aaply ng foundation.

"Napansin ko lang, bakit tuwing umaga ay laging puno itong CR.  Hindi naman ganito dati, ah," komento niya saka inilabas ang pouch ng make-up.

"Korek ka diyan, sis.  Alam mo ba kung bakit biglang naging concious sa mga hitsura nila ang mga babae sa building na ito?  'Yon ay dahil gusto nilang maging maganda sa paningin ng bago nating CEO na si Sir Francis Fontanilla.  At siyempre, isa na ako doon."  Binalingan siya ni Sara at tiningnan ng kakaiba.  "Teka, Alice.  Bakit nga ba pati ikaw ay nahihilig na rin mag-retouch tuwing umaga na hindi mo naman dati ginagawa?  Huwag mong sabihin na pati ikaw ay gusto ring magpapansin kay Sir?  Aba, sis hindi puwede 'yan.  Taken ka na.  Meron ka ng Sir George." Ang tinutukoy nito ay ang fiance niya na Head ng Accounting Department sa parehong kompanya na pinapasukan nila, ang Fontanilla Group of Companies.  "Kailan niyo pala balak magpakasal?  'Di ba, annuled na si Sir George sa asawa niya?"

"Oo, pero hindi muna kami magpapakasal hangga't hindi kami nakakaipon ng malaki.  'Di ba nasabi ko na sa'yo kung anong klaseng wedding ang gusto ko?"

"Ay oo nga pala.  Gusto mo ng engrandeng beach wedding sa Boracay at mag-honeymoon sa Paris.  Kailangan niyo ngang mag-ipon ng milyones para matupad 'yang pangarap mo sobrang taas."

Napairap siya.  "Siyempre naman.  Mangangarap din lang, dapat 'yong mataas na."

"Hindi na dreaming ang tawag diyan kundi demanding.  Kung gusto mong magkatotoo ang ambisyon mong engrandeng wedding at honeymoon.  'Yong CEO natin ang pakasalan mo at hindi 'yong Department Head lang,"

"Grabe ka naman kay George.  Pinaghirapan niya kaya ang posiyong 'yon," katuwiran niya.

"Please, don't get me wrong.  I think, nice catch na rin naman si Sir George, eh.  Even though, nasa thirty's na siya ay guwapo pa rin, plus may decent and stable job.  Hindi ka na rin lugi sa kaniya, sis.  Ang sinasabi ko lang ay mas jackpot pa rin ang isang babae kung si Sir Francis ang makakatuluyan."

Hindi na siya nangtawiran pa dahil tama naman ang sinabi nito.  Napaisip tuloy siya.  

May girlfriend na kaya si Sir Francis?  Napaka-suwerte ng babaeng 'yon kung meron man.

---

Bandang alas diyes ng umaga ng dumating ang isang babaeng bisita at hinahanap nito si Francis.

"Do you have an appointment, Ma'am?" tanong ng secretary ni Francis sa bisita.

"Sorry, I don't have an appointment.  Pero kilala ako ng boss mo.  Tell him that I am Sofie Cayabyab," malumanay na tugon nito.

"Okay, please have a seat."  Nag-dial ang secretary sa intercom.  "Good morning Sir, may bisita po kayo.  Si Miss Sofie Cayabyab po."  Nagtaka ito ng hindi agad sumagot si Francis.  "Hello, Sir?"

"I don't know anyone named Sofie Cayabyab.  Please tell her to leave," matigas na utos nito saka pinatay ang linya.

"Sorry ma'am, ang sabi ng boss ko ay wala raw siyang kilalang Sofie Cayabyab.  Makakaalis na raw po kayo," anang secretary.

Nalungkot si Sofie.  "Can you call him again?  Please let me talk to him."

"Pasensya na, pero malinaw ang utos ng boss ko na paalisin ka na raw."  Tumayo ito at itinuro kay Sofie ang pintuan palabas.  "Pasensya na talaga, Ma'am."

A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon