Chapter 5

13.2K 305 1
                                    

TIRIK na ang araw sa labas pero nakahilata pa rin si Francis sa kama.  Dahil inatake ng katamaran ay mas pinili na lang niya ang mag-stay sa loob ng tinutuluyang condo unit. 

Ang walang kuwentang buhay niya ay binubuo lamang ng paulit-ulit na kain, tulog, inom, party, at babae.  

Sa totoo lang ay hindi naman ganito ang takbo ng buhay niya noon.  Dati ay may hawak siyang mataas na posisyon sa Fontanilla Group of Companies, ang kompanyang pag-aari ng ama niyang si Armando Fontanilla. 

Masipag siyang magtrabaho, hindi mabisyo at hindi pala-gimmick na tao.  Hindi rin niya ugali noon na pagsabay-sabayin ang mga babae dahil loyal siya sa kaniyang girlfriend na kalaunan ay naging fiancè nang nag-'yes' ito sa kaniyang marriage proposal.

Wala siyang ibang pinapangarap kundi ang isang masayang buhay kasama ang kaniyang future wife.  Everything in his life was so perfect.  Nagsimula lang na magkandaloko-loko ang lahat no'ng iwan siya ng kaniyang fiancè, ng nag-iisang babaeng tunay niyang minahal— si Sofie.

Habang abala sa paghilata ay biglang nag-ring ang cell phone niya dahil sa tawag na nanggaling sa nakababatang kapatid na si Faye.

"Hello?"

"Kuya, huwag kang mabibigla.  Si Mommy, isinugod namin sa ospital." balisang tinig ng kapatid niya sa kabilang linya.

Taranta siyang bumangon.  "Why?  What happened to her?"

"Bigla kasi siyang inatake ng high blood."

"Saang ospital niyo siya dinala?  Pupunta ako ngayon din."  Nang malaman ang ospital na kinaroroonan ng ina ay agad siyang nagbihis upang pumunta doon.

Nakahinga siya nang maluwag nang madatnang may malay at nakaupo sa kama ang kaniyang Mommy Sandra.  Nilapitan niya ito saka masuyong niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Ma, what happened?  Are you alright?" buong pag-aalalang tanong niya.

"Don't worry, tumaas lang ang blood pressure ko, but I'm okay now." Bakas pa ang panghihina sa boses nito.  "Anak, kumusta ka na? Ang tagal mo ring hindi nagpapakita.  Kung hindi pa ako na-ospital, hindi mo pa ako dadalawin."  

Hinalikan niya ang kamay ng ina.  "Sorry, Ma kung hindi ko kayo madalas nadadalaw.  Sa totoo lang ay miss ko na po kayo.  Don't worry about me, Ma.  Okay naman po ako."

"Mukha ngang okay ka.  Sa sobrang okay mo ay kung sinu-sinong babae na lang ang dini-date mo," pagsabat ni Daddy Armando na nasa silid din ng ina.  Pinili na lang niyang huwag itong pansinin gaya ng plano.  "Wala ka bang sasabihin?  Talaga bang ipagpapatuloy mo ang pag-asta sa harap ko ng ganyan?  Kung galit ka sa'kin, bakit panay ang lustay mo ng pera ko sa mga walang kuwentang bagay?  Kung umasta ka ay parang wala kang kapatid na babae."  Binalingan nito ang kolehiyala niyang kapatid.  "Ikaw Faye, kung makikipag-boyfriend ka, siguraduhin mong hindi tulad nitong walang kuwenta mong kapatid."

"Honey, please.  Huwag mo namang awayin ang anak natin," malumanay na pakiusap ng Mommy niya.

"Sorry, hon, pero kailangan niyang marinig ang sasabihin ko dahil nandito na rin lang siya."

"Ma, I guess I'll visit you some other time," ani Francis saka humalik sa pisngi ni Mommy.  Gusto man niyang manatili para makasama pa ng matagal ang ina at kapatid ay hindi niya magawa dahil sa presensya ng amang labis niyang kinamumuhian.  Palabas na siya ng silid ng muli itong magsalita.

"Hanggang kailan ka ba magmu-mukmok sa pagkawala ng babaeng 'yon?"  Ang sinabing ito ng ama ang nagpatigil sa paghakbang niya.  "Hanggang kailan mo ako sisisihin sa paghihiwalay niyo?  Ni minsan ba ay hindi mo naisip?  Ako nga ba ang dapat sisihin kung bakit ka niya iniwan?  Kung talagang mahal ka niya, bakit niya tinanggap ang perang ibinigay ko?  At nasaan na siya ngayon?"

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now