Chapter 8

11.6K 280 8
                                    

NABIGO man ng maraming beses ay tuloy pa rin si Queenie sa paghahanap ng kompanyang maaring pasukan, hanggang sa mapadpad siya sa De Blanco Law Firm.

"Iwan niyo na lang po ang resume niyo, ma'am. Kapag hiring kami ay tatawagan ka na lang namin," sabi ng babaeng staff na nasa front desk.

Sumimangot si Queenie at hindi pumayag na umalis sa lugar na iyon ng walang nangyayari. Kinulit niya ng kinulit ang staff na bigyan siya ng trabaho.

"Sorry ma'am, pero wala po talagang bakente. Umalis na po kayo," naiirita nang wika no'ng staff. Pero hindi siya natinag at patuloy pa rin ng pangungulit sa babae.

"What's going on?" tanong ng isang guwapong binata na kararating lang. 

"Sir, mag-aaply daw po siya," magalang na sinabi ng staff.

Nakangiting humarap ang lalaki kay Queenie sabay sabing, "I'm sorry ma'am, but we do not have any vacancy for now. Just leave your resume and we will call you as soon as there's a vacant slot."

Hindi naman siya agad nakasagot, dahil tila na-hipnotize siya sa magandang mukha, tindig at boses nito. 

"Ito po ang resume ko," maya-maya'y sinabi niya. "Please, tawagan niyo po ako agad kapag may bakante na. Kahit anong trabaho pa 'yang ipagawa niyo sa akin ay gagawin ko. Kailangan na kailangan ko po kasi. Salamat."

Makalipas ang isang linggo, habang abala sa pagwawalis sa sala ay nakatanggap si Queenie ng phone call from an unknown number. 

"Hello"

"Good afternoon. This is Julius of De Blanco Law Firm. May I speak with Miss Queenie Arevalo?" sabi no'ng lalaking tumawag.

"Yes, speaking po. Si Queenie po ito," magalang niyang sagot.

"You applied to our office right?" 

"Yes sir."

"I think I have a job for you. Can you come at my office so we can discuss it personally?"

---

Kinabukasan ay nagtungo si Queenie sa opisina ni Julius. Pag-upo pa lang niya ay agad na siyang nagtanong.

"Sir, anong trabaho po ang ibibigay ninyo sa akin? Graduate naman po ako ng computer secretarial kaya puwede niyo akong maging secretary."

"May secretary na ako."

"Gano'n po ba. Hindi naman po ako namimili ng trabaho. Kahit gawin niyo akong janitress, okay lang."

"Marami na kaming janitor at janitress dito."

"Ah, okay. Sige po, kayo na pong bahala kung anong trabaho ang ibibigay niyo sa'kin."

"Actually, I'm looking for a girlfriend," anito sabay ngiti.

"Po?" Wala nang nasabi pa si Queenie bukod doon. Ang tanging nagsasalita lang ay ang naguguluhan niyang utak na nagsasabing, 'Ang bilis naman niya. Girlfriend agad? Hindi pa nga kami lubos na magkakilala, eh! Pero kung sa bagay, puwede na rin. Guwapo naman siya at mukhang mabait. May-ari pa ng isang law firm company. Hindi kaya siya na ang—'

"Fake girlfriend ng kaibigan ko," putol ni Julius sa mga ka-wirdohang iniisip niya. "Naghahanap kasi ang kaibigan ko ng babae na maisasama niya sa party at magpapanggap na girlfriend niya. Ang sabi niya ay nakahanda siyang magbayad sa magiging serbisyo mo. Bukod doon, puwede rin kitang bigyan ng regular na trabaho dito sa aking law firm. Anong masasabi mo, pumapayag ka ba?"

---

"Sir, siya po ba ang kaibigan na sinasabi niyo?" tanong ni Queenie kay Julius. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang pinakakainisan niyang Playboy na walang iba kundi si Francis.

"Yes, he's my best friend, Francis." Bigla itong naguluhan. "Wait, magkakilala ba kayo?"

"Unfortunately, Yes. I know her," walang ganang tugon ni Francis saka pinasadahan ng tingin si Queenie mula ulo hanggang paa. 

"Manang, ikaw ba talaga 'yan? Muntik na kitang hindi makilala, ah. Mukhang tao ka pala kapag naayusan."

"Anong sabi mo? Sinong Manang ha! Puwede ba, tigil-tigilan mo ang kakatawag sa akin ng Manang!" reklamo niya habang pinaghahampas ito ng dala niyang clutch bag. "Queenie ang pangalan ko, okay! Queenie!"

"Oo na! Queenie na kung Queenie!" sabi nito habang abala sa pagsangga ng hampas niya.

"Sir Julius, talaga po bang best friend niyo ang playboy na lalaking 'to?" tanong niya.

"Francis ang pangalan ko, hindi playboy," sabat ni playboy, este Francis daw pala.

"Whatever!" Inirapan niya ito. "Kung alam ko lang na ikaw ang makikita ko dito, hindi sana ako pumayag. Ayoko na, back out na ako!"

"Wait!" pigil nito sa kaniya. "Mana-, este Queenie, please, huwag kang umalis. Ayoko man na ikaw ang tatayo bilang fake girlfriend ko, I have no choice kundi ang pagtiyagaan ka. Puwede bang ituloy na lang natin ito."

"Kung ayaw mo sa akin, mas lalong ayaw ko sa'yo." Muli ay inirapan niya ito.

"Babayaran naman kita, eh." 

"Hindi ko kailangan ang pera mo!"

"Kahit magkano, nakahanda akong magbayad. Please, pumayag ka na. Wala na akong oras para humanap ng kapalit mo, eh."

"'Di ba marami kang babae? Bakit hindi sila ang isama mo sa party na 'yon para magpanggap na girlfriend mo. Sorry pero nagbago na ang isip ko. Baka madamay pa ako sa mga issues mo sa buhay, eh! Diyan ka na, bye." Aalis na sana si Queenie pero natigilan siya nang biglang magsalita si Julius.

"Queenie, ayaw mo ba ng trabaho?"

Dahil dito ay naalala niya ang pangakong regular na trabaho sa kaniya ni Julius. Huminga siya ng malalim. 

Hay, bakit ba kasi ang hirap kumita ng pera.

"Queenie?" Si Julius ulit. Maya-maya pa ay sumagot na siya.

"Okay, fine payag na 'ko, Sir." Binalingan niya si Francis. "Pasalamat ka at kailangan ko ng trabaho." 

---

"Fontanilla Group of Companies?" nabibiglang tanong ni Queenie. Pagdating nila ni Francis sa venue ay saka pa lang niya nalamang anniversary party pala ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa ang pinuntahan nila.

"Yes, Daddy ko ang may-ari. I'm Francis Fontanilla by the way. The CEO of FontaGo."

Nalaglag ang panga ni Queenie. Hindi niya akalain na magpapanggap pala siya bilang girlfriend ng boss ng ex-husband niyang si George at karelasyon nitong si Alice.

A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon