Chapter 27

8.9K 208 16
                                    

DALA ng pagkakataon ay napilitan si Queenie na magpahalik kay Francis. Five minutes later ay sila na lang ang couple na natitirang naghahalikan. Samakatuwid ay sila ang itinanghal na panalo sa Longest Kiss Couple's Challenge.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay halos hindi niya na alam kung saan ibabaling ang paningin. Basta, ang alam lang niya ay hindi niya kayang tingnan si Francis kaya mabilis siyang nagtatakbo palayo.

Bumalik siya sa kanilang kuwarto at tumuloy sa banyo. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa para tawagan ang best friend na si Elsa.

"Hello, birthday girl, what's up? Kumusta ang Boracay getaway niyo?" masayang bungad nito sa kabilang linya.

"Hinalikan niya, 'ko. Friend, hinalikan ako ni Francis!" eksaheradang pagkakasabi niya.

"What?" bakas ang pinaghalong tuwa at gulat sa tinig nito.

"Kasi, may sinalihan kaming Couple's Challenge eklavou dito. Eh, hindi ko naman akalain na patagalan pala ng lips to lips ang labanan. Aatras sana ako pero hindi ko na nagawa kaya..."

"So, nag lips to lips kayo? Kumusta ang lips niya, masarap ba?"

"Oo!" wala sa sariling nasabi niya. "Hindi pala, hindi!"

"Friend naman, eh. Nag-oo ka na, binawi mo pa."

"Alam mo friend, parang naiilang na ako sa sitwasyon namin. Ang alam niya ay mag-asawa kami kaya wala lang sa kaniya na kung mag-kiss kami dahil normal nga naman 'yon sa mag-asawa. Anong gagawin ko kung sakaling hilingin niyang may mangyari sa'min? I mean, lalaki siya, he has needs. Paano kung..." Naulinigan niya ang pagdating ng asawa. "Nandito na siya. Mamaya na lang uli, friend. Bye."

"Anong nangyari sa'yo? Bakit bigla ka na lang nagtatakbo?" tanong agad ni Francis paglabas niya ng banyo.

Gusto niyang sumagot pero biglang umurong ang dila niya. Nanatiling tikom ang bibig niya hanggang sa muli silang bumalik sa restaurant. Nakapagsalita na lang siya uli ay noong kumakain na sila ng dinner.

---

NATAWA si Elsa matapos ibaba ang phone.  Ngayon pa lang ay excited na siyang malaman ang buong kuwento kay Queenie.

"Mukhang masaya ka," sabi ng customer na kadarating lang. 

"Uy, ikaw pala.  Kanina ka pa ba diyan?  Sorry ah, kausap ko kasi ang best friend ko.  Natawa lang ako sa kuwento niya."

"Hindi naman, actually kararating ko lang.  Ready na ba 'yung damit?"

"Oo."  Ipinakita niya sa customer ang nayari nang dress na ipinatahi nito.

"Ang ganda," nakangiting sambit nito.  "Hindi ako nagkamali ng nilapitan.  Totoo nga pala ang sabi nila na you're the best fashion designer in the country.  From now on, sa'yo na ako lagi bibili ng damit."

"Thank you so much, Miss Cayabyab.  I'm happy na madadagdagan na naman ako ng customer. "

"Don't be too formal.  You can call me by my name.  At sana ay okay lang din na tawagin kitang Elsa.  Ang totoo ay wala akong masyadong friends dito.  Sana okay lang na maging friends tayo."

"Bakit naman, hindi.  Sa tingin ko naman ay magkakasundo tayo.  Sige, from now on, Sofie na lang ang itatawag ko sa'yo."
 
---

NAPUNO ng libreng pagkain ang lamesa nila bilang premyo sa kanilang pagkapanalo sa challenge. At dahil birthday niya ay nakalibre din sila ng birthday cake.

"Bago natin kainin itong cake, ibigay muna natin kay Ate ang mga regalo natin," sambit ni Faye at ito na ang naunang naglabas ng regalo nito. Iniabot nito sa kaniya ang isang paper bag na damit ang laman.

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now