Chapter 21

10.9K 237 17
                                    

MAAGANG gumising si Francis dahil alas nueve ng umaga ang takdang oras ng pagkikita nila ni Sofie sa isang coffee shop. Pagbaba sa hapag kainan ay binati siya agad nina Queenie at Trisha.

"Good morning," bati niya pabalik.

"Bakit bihis na bihis ka, may pupuntahan ka ba?" tanong ni Queenie pag-upo niya.

"Yeah, may isang kakilala na tumawag sa akin kagabi at gustong makipagkita," tugon niya habang naghahanap ng makakain sa mesa. "Wala bang light breakfast diyan? Kahit sandwich man lang. Ayokong kumain ng rice, e."

"Tito, Francis 'di po ba ayaw niyo ng sandwich?" nagtatakang tanong ni Trisha.

"Really?" pagtataka rin niya.

"Oo, kaya nga hindi na ako gumagawa ng sandwich sa umaga dahil sabi mo ay ayaw mo no'n. Pero, igagawa na lang kita para may makain ka, kung ayaw mo ng rice," sabi ni Queenie at tatayo na sana pero pinigilan niya.

"Huwag na lang, I'll just eat outside," aniya saka ininom ang kape.

---

Ten minutes before 9am nang makarating si Francis sa coffee shop. Naghanap siya agad ng babaeng naka-suot ng white dress dahil ito ang palatandaang ibinigay sa kaniya ni Sofie para makita niya ito. Hindi naman siya nahirapang maghanap lalo't kaunti pa lang ang mga tao doon. Pumunta siya sa pinaka-sulok na lamesa kung saan may babaeng nakaupo.

"Sofie?" mahinang tawag niya sa babae na agad nag-angat ng tingin.

"Yes, I'm Sofie. Have a seat."

Umupo siya sa harap nito. Nag-order sila ng breakfast at nag-usap habang kumakain.

"Francis talaga bang wala kang maalala?" nangangambang tanong ng dalaga.

"Unfortunately, yes.  I lost my memory due to an accident and couldn't even remember my name.  Kaya ko lang alam kung sino ako ay dahil sa pamilya kong hindi ako pinabayaan," paliwanag  niya.

Bumuntong hininga ito. "Why did this have to happen? Okay na ang lahat, e. Why did you have to forget everything? Why did you have to forget me?"

Nailang siya sa paraan ng pagtitig nito. "By the way, ang sabi mo sa akin sa phone ay may sasabihin ka. What is it Sofie?"

Sa halip na magsalita ay may inilabas ito mula sa dalang bag. Mga pictures iyon na ipinatong nito sa lamesa.

Curious na dinampot niya ang mga pictures. Nalaglag ang panga niya sa nakita. "Wait, tayo ba 'to?"

Oo, silang dalawa nga ni Sofie ang makikitang magkasama sa mga pictures na iyon. May picture na nakaakbay siya sa dalaga at meron ding naka-halik siya sa pisngi at labi nito.

Kinabahan siya ng wala sa oras. "Tell me sino ka ba talaga?"

"Francis, listen to me. The truth is... I'm your girlfriend," deklara nito.

"Girlfriend?" kunot noong sabi niya.

"Yes, we we're still in college no'ng magkakilala tayo. Pero graduate na tayo pareho no'ng niligawan mo ako. Sinagot kita at naging tayo. Magpapakasal na sana tayo noon pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkahiwalay tayo. I went to Canada for three years at no'ng bumalik ako, naayos natin ang naging problema natin noon. Napatawad mo ako sa ginawa kong pag-alis ng walang paalam. At sinabi mo sa akin na mahal mo pa rin ako. Nagkabalikan tayo no'ng mismong araw birthday ko. 'Yon din ang araw na maaksidente tayong dalawa," kuwento nito taglay ang malungkot na mga mata.

"You mean, ikaw ang kasama ko no'ng araw ng aksidente?" tanong niya. Wala kasi sinuman sa pamilya niya ang nagbanggit na may kasama pala siya no'ng araw na maaksidente siya.

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now