Chapter 26

9.4K 224 31
                                    

"ANO?!" korong sambit ni Francis at ng mga kasamahan nila sa table. Hindi nila narinig ang sinabi ni Queenie dahil biglang sumigaw 'yong vocalist ng banda na nasa stage.

"Ang sabi ko..." Naudlot ang sinasabi nito dahil sa biglaang pagsusuka hanggang sa tuluyan itong mawalan ng malay dahil sa kalasingan. Ang ending ay iniuwi na lang niya ito sa bahay.

Locked ang pinto ng kuwartong ginagamit ni Queenie kaya dinala niya ito sa sarili niyang kuwarto. Dahan-dahan niya itong inihiga sa kama. Para komportable itong makatulog ay inalis niya ang suot nitong pantalon. Pinalitan din niya ang suot nitong pang-itaas ng malaki niyang t-shirt. Binalutan niya ito ng kumot bago magpunta sa banyo upang mag-shower. Suot lamang ang boxer shorts ay humiga siya sa tabi nito at natulog.

Kinaumagahan ay halos mabingi siya dahil sa sigaw ng asawa. Kahit inaantok pa ay napilitan siyang bumangon.

"What happened? Bakit ka sumigaw?" tanong niya kay Queenie na ngayon ay nakabangon na rin.

"Bakit nandito ako sa kuwarto mo?" tanong nito pabalik habang balot na balot ang sarili ng kumot.

"Naka-lock ang kuwarto mo kaya dito kita dinala."

"Bakit suot ko ang t-shirt mo?"

"Nabasa dahil sumuka ka. Wala kang damit dito kaya damit ko ang ipinasuot ko sa'yo."

"Ibig sabihin, hinubaran mo ako?"

"Malamang. Mabibihisan ba kita kung hindi kita huhubaran?"

"Ibig sabihin nakita mo ang katawan ko?"

"Natural, dahil nakadilat ang mga mata ko habang hinuhubaran ka."

"Bastos!" galit na sinabi nito at hinampas pa siya ng unan. "Ang sama mo! Manyak!"

"What?" Nagsalubong ang kilay niya. "Sinong manyak?"

"Sino pa, eh di ikaw. Sabihin mo, may ginawa ka ba sa'kin? May nangyari ba sa'ting dalawa?" pagwawala nito.

"Maliban sa bihisan ka ng damit, wala na akong ibang ginawa," paliwanag niya. "Teka nga, ano bang ikinagagalit mo? Ano naman kung hinubaran kita? Anong masama kung may nangyari sa'tin?"

"So may nangyari nga sa'tin?"

Bumuntong hininga siya. "Wala."

"Sigurado ka?"

"Oo nga," giit niya. "Again, ano namang masama kung may mangyari sa'tin? Mag-asawa naman tayo ah."

Nanahimik ito na parang umurong ang dila. Saka nagmadaling tumayo at lumabas ng silid.

Hindi naman napigilan ni Francis ang magtaka sa kakaibang inaasta nito.

---

DAHIL nag-resign na sa trabaho ay balik si Queenie sa pagiging plain housewife. Gayunman ay hindi na siya mahihirapan sa mga gawaing bahay dahil may kasambahay na sila, ang limampu't anim na taong gulang na si Aling Celia.

"Bakit ka nag-resign, Ate?" tanong ni Faye. Walang pasok sa school kaya naisipan nitong dumalaw sa bahay nila. Katatapos lang nilang mananghalian at ngayon ay nasa living room sila at kumakain ng mansanas bilang dessert.

"Naisip ko lang kasi na mas enjoy ang maging housewife, eh," tugon niya. Maya-maya'y iniba niya ang usapan. "Kumusta na nga pala sina Krystel, ginugulo ka pa ba nila?"

"Naku, Ate hindi na. Buhat no'ng araw na kausapin mo sila ay hindi na nila uli ako ginulo. Kahit na nakikita nila na kinakausap ko si Lance ay ngumingiti lang sila. Samantalang dati, halos patayin ako sa titig ni Kyrstel kapag nakikita niyang magkasama kami ni Lance. Pero ngayon, hindi na siya nagagalit," paliwanag nito. "Ate, curious ako, ano po ba ang sinabi mo sa kanila at bigla silang nagbago?"

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now