Chapter 28

9K 217 20
                                    

"SORRY, nakasalubong ko sina Sir Francis at ang ex-wife mo at nagyaya silang uminom sa bar. Nahihiya naman akong tumanggi kaya sumama ako," paliwanag ni Alice pagbalik niya sa hotel room nila ni George.

"Please, stop calling her my ex-wife. Yes, Queenie is my ex-wife, pero mas mabuti kung tatawagin mo siya sa pangalan. And you should've called me na nakikipag-inuman ka na pala sa kanila para hindi naman ako nagmukhang tanga sa kahihintay," galit na tugon nito.

"I said, I'm sorry okay?" galit ding sinabi niya. Inilapag niya sa lamesa ang biniling canned beer na dahilan kung bakit siya lumabas. "Ayan na ang alak mo. Ikaw na lang mag-isa ang uminom at ako'y matutulog na," aniya at dumiretso sa banyo. Pagkatapos maghilamos ng mukha ay hindi muna siya lumabas at nag-isip isip muna habang nakatitig sa salamin. Una sa listahan ng kaniyang iniisip ay ang guwapong mukha ni Francis.

If I were your wife, ako na ang pinaka-suwerteng babae sa mundo.

---

"Good morning, Sir." nakangiting bati ni Alice kay Francis na nakasabay niya sa elevator. Kahit nakita niya ang mga taong naglalakad palapit sa kanila upang sumakay din ng elevator ay pinili niyang isara na iyon upang masolo sa loob ang guwapo niyang amo. "Anong oras na po kayo nakabalik ng Manila, Sir?" tanong niya pero hindi ito sumagot dahil tila may malalim itong iniisip.

Pagsapit ng lunchbreak, imbes sa sumama sa mga kasamahan palabas ay tinungo niya ang opisina ni Francis. Tumingin muna siya sa dalang compact mirror at nang matiyak na maganda na ang kaniyang hitsura ay saka siya tuluyang pumasok sa loob.

"Sir, lunchbreak na po," masayang bungad niya. Subalit, tulad kaninang umaga ay hindi siya nito sinagot.  "Sir Francis!" mas malakas na pagtawag niya.

"Oh, Alice, nandito ka pala," sa wakas ay sagot nito.

"Yes, Sir, kanina pa po. May problema po ba? Kaninang umaga ko pa po kasi napapansin na ang lalim ng iniisip niyo?  Puwede niyo pong sabihin sa'kin kung ano ang gumugulo sa isip niyo, baka sakaling makatulong ako," magiliw na sinabi niya.

"Actually, kanina pa ako nag-iisip kung ano ba ang magandang bagay na puwede kong iregalo kay Queenie. Sa sobrang busy ko kasi last week ay nakalimutan kong bumili ng birthday gift para sa kaniya. I know late na, pero gusto ko pa rin siyang bigyan ng magandang regalo na magugustuhan niya. Any idea?"

"Jewerly," mabilis niyang tugon.  "Ako kasi, sobrang saya ko kapag nakakatanggap ng jewelry as a gift. Bilihan niyo siya ng alahas, Sir. 'Yong mamahalin para lalo siyang matuwa. Kung wala kayong idea kung anong klase ng alahas ang bibilhin, sasamahan ko kayo. What about tonight? Para maibigay niyo na sa kaniya, pag-uwi niyo mamayang gabi."

"Huwag na lang, nakakahiya. Baka magalit ang fiancé mo kung magpasama ako sa'yo."

"Okay lang, Sir, absent naman si George ngayon. Besides, wala naman tayong gagawing masama. Sasamahan ko lang kayo na pumili ng ireregalo sa asawa niyo. After office hours, magkita tayo sa coffee shop malapit sa intersection. Doon niyo na lang ako sunduin para hindi tayo makita ng ibang employee na magkasama.  Baka kasi kung ano pa ang sabihin nila, eh."

"If you insist, sige. See you later."

---

Lumuwa ang mga mata ni Alice sa mga kumikinang na alahas sa napuntahan nilang high-end jerwerly shop. Naagaw ang atensyon niya ng isang diamond bracelet.

"Ang ganda nito," namamanghang wika niya.  "I like it...  I mean, your wife will surely like it."

"Maganda nga.  Actually, bracelet din talaga ang unang pumasok sa isip ko na ibigay sa kaniya." Ipinakuha nito sa staff ang nasabing diamond bracelet at nang masuri ay binili nito iyon agad.  "Thank you sa pagsama mo sa'kin, Alice."

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now