Chapter 9

4.3K 121 20
                                    

HINDI na mapakali si Queenie buhat ng malaman niya ang tunay na pagkatao ni Playboy.

Sinong mag-aakala na ang pinaghahampas niya kanina ng clutch bag ay CEO pala ng isang malaking kompanya kung saan parehong nagta-trabaho ang dati niyang asawa na si George at ang babaeng ipinalit nito sa kaniya na si Alice.

What a small world!

Hindi niya tuloy mapigilang magpalinga-linga sa paligid habang nag-iisip.

Nandito rin kaya ang mga taksil?

"Are you hungry?" tanong sa kaniya ni Francis. "The food is over there." Sabay turo nito sa direksyon kung nasaan ang mga lamesa ng pagkain.

"Ano ka ba, hindi pagkain ang hinahanap ko. Anong palagay mo sa akin, patay-gutom?"

"Ano ba kasi ang hinahanap mo at kanina pa umiikot 'yang ulo mo?"

"My ex-husband."

"What?"

"Yes, ex-husband dahil annulled na kami. Ipinagpalit niya ako sa babaeng mas bata na kasamahan niya sa trabaho. And guess what, silang dalawa ay employee ng FontaGo. Ang saya 'di ba?" sarcastic niyang sinabi.

"Kung gano'n tama pala ako. Galit ka sa mga playboy dahil sa asawa mong ipinagpalit ka sa iba. Kawawa ka naman." Hindi naman ito mukhang naaawa sa kaniya kundi parang natutuwa pa. Siningkitan niya ito ng mata para ipakitang hindi siya natutuwa. "Joke lang," sabay bawi nito.

"Umayos ka kung ayaw mong mag-walk out ako," banta niya rito. Paglingon ay nakita niya ang isang babae na agad niyang namukhaan. 

Hala! Siya 'yong girl na kasama ni Francis na pumunta sa boutique ni Elsa.

Nagkatinginan sila at laking gulat niya ng bigla itong ngumiti.  Gumaan ang loob niya dahil mukhang hindi na ito galit at parang naka-move on na. Ngumiti siya pabalik rito.

Ilang saglit pa ay nilapitan sila ng isang matandang lalaki. "Francis, hijo. Congratulations on FontaGo's anniversary," anito at nakipagkamay kay Francis.

"Thank you, Mr. Monteayala."

"I'm sure, masaya ang Daddy mo dahil may mapag-iiwanan siya ng kompanya."

"I hope so, Sir."

"And who is this beautiful lady here."

Pumalakpak ang tainga ni Queenie. OMG! Beautiful daw ako sabi ni Tatang.

"She's my girlfriend, Queenie," sagot ni Francis. Bawat makakausap nila ay ipinakikialala siya nito as his girlfriend. Wala siyang choice kundi ang ayusin ang ginagawang pagpapangap.

Pumunta sila sa lamesa upang kumain. Maya-maya pa ay nilapitan sila ng isang lasing na babae. "Wow naman, Francis! Hindi ka man lang nahiya at talagang isinama mo pa dito 'yan!"

Tarantang tumayo si Francis at tinawag ang babae sa pangalan nito. "Marj," saka lumapit upang umalalay dahil mukhang babagsak na ito sa kalasingan. "Okay ka lang. You're drunk."

"Tell me, ano ang nakita mo sa kaniya na wala sa akin, ha, Francis? 'Di hamak na naman mas maganda ako kasya sa matronang 'yan!"

Galit na tumayo si Queenie upang dumepensa. "Hoy! Huwag mo nga akong tawagin na Matrona. Thirty five pa lang ako! Hindi ka pa ba nadala no'ng huli nating pagkikita? Gusto mo na naman bang masaktan, ha?" Palibhasa ay dati na niya itong nakasabunutan sa boutique ni Elsa. Kung hindi pa ito titigil ay hindi siya mangingiming patulan ito gaya dati.

"Subukan mo ! Kahit gurang ka na, papatuan kita!"

"Ang kapal ng mukha mo! Sinong tinatawag mong gurang, ha!" Gusto nang sugurin ni Queenie si Marj pero hindi niya magawa dahil hawak siya ni Francis sa bewang. Dahil sa sigawan ay nakuha na nila ang atensyon ng mga bisita sa party.

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now