Chapter 15

11.8K 285 17
                                    

"PAANONG nangyari 'yon? How did your ex-wife end up marrying our CEO?" gulong-gulo na tanong ni Alice. Nasa parking lot na sila dahil tapos na ang wedding ceremony. Umalis na rin ang mga bisita upang magtungo sa Grande Hotel kung saan magaganap ang reception.

"Don't ask me, dahil hindi ko rin alam," sagot ni George na labis ding nagtataka sa mga nangyayari.

"Ngayong asawa na siya ni Sir Francis, ano nang mangyayari sa'tin? Sasabihin ba niya sa asawa niya na tanggalin tayong dalawa sa trabaho? Saan tayo pupulutin kapag nangyari 'yon?" malaking pangamba niya.

"Relax. Sa tingin ko ay hindi mangyayari 'yan. Dahil kung gusto niya tayong matanggal sa trabaho, dapat noon pa niya ginawa."

"Yeah, dahil ang gusto niya ay makita muna natin na ikinakasal siya sa ating CEO. Nakita mo ba kung gaano kalapad ang mga ngiti niya habang nakatingin sa'tin? Plano niyang lahat ito para kutyain tayo!" halos sumigaw na si Alice sa lakas ng kaniyang boses.  Sobra ang nararamdaman niyang inis na para bang naisahan siya ng malaki.

"Siguro gano'n na nga, dahil ininsulto mo siya. Sinabi mo sa kaniya ng harapan na manang na siya at wala ng lalaki ang magkakagusto sa kaniya. Ayaw na ayaw pa naman niya ng mga gano'ng klaseng insulto. Well, sa ginawa nating pagtataksil, hindi lang natin siya ininsulto. Dinurog din natin ang pagkatao niya. Pero tapos na 'yon, kasal na siya at magkakaroon na ng magandang buhay. Wala ng dahilan para makonsensya tayo sa ginawa natin," kalmadong paliwanag nito.

Maya-maya pa ay dumating na si Sara na galing sa comfort room. "Guys, sorry kung ang tagal ko. Tara na, punta na tayo sa reception."

"Sorry, but we're not going," ani George.

"Ha, bakit naman Sir?"

Sa halip na sumagot ay binuksan nito ang pinto ng kotse para kay Alice. "Hon, let's go."

"Alice, hindi talaga kayo pupunta? Sayang naman, maraming pagkain doon. At akala ko ba gusto mong makapasok sa Grande Hotel, kasi never ka pang nakatapak sa hotel na pang-mayaman. At saka, 'di ba magpapa-picture pa tayo kina Marian at Dingdong? Punta na tayo, please."

Matapos mag-isip ay nag-decide si Alice na pumunta. "Hon, let's go there," aniya.

Pumalakpak sa tuwa si Sara saka nagmadaling sumakay sa back seat ng kotse ni George na walang nagawa kundi ang sumunod na lang sa gusto ng kasintahan.

---

KUNG si Francis ang masusunod ay gusto niyang matapos na ang araw na ito para makapahinga na. Nasa reception na sila ni Queenie ngayon para mag-cut ng wedding cake, kung saan tuwang-tuwa silang pinapanood ng mga bisita. Walang kamalay-malay ang mga ito na lahat ng mga nakikita ay pawang pagpapanggap lamang.

Kasunod naman ay maririnig na ang malumanay na musika sa venue. Hudyat na para sa first dance ng newly wed couple. It is a sweet dance kaya magkayakap ang dalawa habang sumasayaw.

"Pagod na 'ko," reklamo ni Francis pero malapad ang ngiti niya para hindi mahalata ng mga bisita ang pagod niya.

"Ikaw lang ba, ako rin kaya. Ang taas pa nitong heels ko," angal din ni Queenie pero with smile pa rin.

"Nasaan ang pamilya mo, bakit wala man lang nagpunta kahit isa?"

"Patay na pareho ang mga magulang ko. Ate na lang ang meron ako pero sa ibang bansa na siya nakatira kasama ang pamilya niya. Hindi ko na in-invite, para saan pa? Peke naman ang lahat ng ito."

"Kung sa bagay." Biglang natahimik si Francis at nawala rin ang pekeng ngiti niya nang matanaw sa likuran ang umiiyak na si Sofie. Nagtama ang mga mata nila. Kahit hindi ito magsalita ay dama niya ang labis na kalungkutan at paghihinagpis nito.

A Marriage To RememberKde žijí příběhy. Začni objevovat