Chapter 1

28K 455 13
                                    

"ANG ganda ko talaga. Makikita mo, George, who you ka talaga sa akin.  Pagsisisihan mo talaga na iniwan mo ang isang Queenie Arevalo," litanya ni Queenie sa harap ng salamin. Abala siya sa pagpapaganda ng sarili dahil magkikita sila ng dati niyang asawa.

 Abala siya sa pagpapaganda ng sarili dahil magkikita sila ng dati niyang asawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bitter na kung bitter pero nandoon pa din ang sama ng loob niya.  Sa kasamaang palad ay humantong lamang sa annulment ang sampung taon na pagsasama nila ni George.  Why?  Third Party. Ipinagpalit siya ng magaling niyang mister sa isang babae mas bata sa kaniya ng sampung taon.

Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa no'ng matuklasan niya ang pagtataksil nito. Nagmakaawa siya noon na huwag siya nitong iwan pero hindi ito nakinig. Bandang huli ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa annulment.

Naiwan sa kaniya ang custody para sa six-year-old nilang anak na si Trisha. Nais hiramin ni George ang anak nila kaya heto siya at naghahanda para ihatid dito ang bata.

"Ma, ang ganda mo po," ang sweet na papuri ng pinakamamahal niyang anak paglabas niya ng kuwarto.

"Thank you, anak." Pinisil niya ang pisngi nito. "At siyempe, ikaw din maganda. Mana ka sa'kin, eh."

Nang masiguro niyang unplugged na ang lahat ng mga appliances sa bahay ay lumabas na sila ng anak at dumiretso sa mall kung saan sila magtatagpo ni George.

Kung siya ang masusunod ay ayaw na sanang niyang makita pa ang pagmumukha ng demonyo niyang ex-husband. Kaya lang ay wala naman siyang choice. Alangan namang papuntahin kong mag-isa sa mall ang anak ko 'di ba?

Malapit lang naman ang mall kaya after thirty minutes ay nakarating na sila. Kusang tumaas ang kilay niya nang matanaw si George. Nakalingkis sa braso nito si Alice, ang bruhang ipinalit nito sa kaniya. Paglapit ay binati agad ng bruha ang kaniyang anak.

"Hi, Trish," sabi nito sabay halik sa pisngi ng bata. "Na-miss ka ni Tita, na-miss mo din ba ako?"

"Pakainin kita ng missile diyan, makita mo." Dapat bulong lang 'yun pero napalakas yata dahil bigla siya nitong tiningnan nang masama. Bitter na kung bitter pero inis pa rin talaga siya sa babaeng ito. Sinira lang naman niya ang pamilya ko!

"What did you say?" mataray nitong tanong.

"Wala," sagot niya sabay ismid. Pagkatapos ay hinarap niya si George. "Sunday ng alas singko, dapat nasa bahay na siya."

"Okay," tipid nitong sagot sabay dukot ng cellphone sa bulsa. Maya-maya lang ay muli itong nagsalita. "Nakapag-deposit na ako sa account mo." Ang tinutukoy nito ay ang perang sustento para sa bata.

"Thanks." Pagkatapos magpaalam sa anak ay umalis na si Queenie. Dumiretso siya sa supermarket para bumili ng supply sa bahay. Tamang-tama at may pera na siyang pang-grocery.

Wala mang kuwentang asawa si George at least ay may kuwenta ama ito. Never nitong nakaligtaan ang buwan-buwan na pagbibigay ng sustento para sa kanilang anak.

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now