Chapter 11

3.5K 100 4
                                    

"GUYS have you heard the news? Ikakasal na raw si Sir Francis at ang girlfriend niya! And guess what? Next week na ang kasal!"

Napalingon si Alice sa kadarating lang na si Sara, dala ang balitang ikinagulat nilang lahat na nasa opisina. Pag-upo nito sa tabi niya ay agad niya itong tinanong. "Totoo ba 'yan?" 

"Yes," sagot nito. "Wait, speaking of kasal, kayo ni Sir George kailan ikakasal? Naunahan pa kayo nila Sir Francis."

"Matagal pa, kasi nga —"

"Ay, oo nga pala, nag-iipon pa kayo para sa dream wedding at honeymoon mo. Sorry, ah. Mali nga pala na i-compare ko si Sir Geroge kay Sir Francis. Si Sir kasi, mayaman, kaya isang pitik lang ng daliri ay magagawa na niya ang kahit anong klaseng wedding pa ang i-request ng fiancée niya."

"Nang-aasar ka ba?" taas kilay niyang sinabi.

"Hindi, nag-sasabi lang ako ng totoo. Sorry, ah. Naasar ka ba?"

"Pero in fairness, ang suwerte talaga ng mapapang-asawa ni Sir," sabat ng kasamahan nilang si Joan.

"Hay girl, agree!" pagsang-ayon ni Sara at nakipag-high five pa kay Joan. "Sana invite tayo ni Sir sa kasal niya."

"Don't worry, all of you are invited," anang bagong dating na si Francis. Magalang nila itong binati.

"Talaga, Sir? Invited kami sa wedding niyo?" excited na sinabi ni Sara.

"Yes," sagot ng binata at napatingin ito kay Alice. "It was actually her, who wanted to invite you all. Sabi niya, imbitahan ko raw kayo. Sana makapunta kayo."

Nailang na kinilig si Alice dahil sa tila kakaibang pagtitig sa kaniya ni Francis habang ito ay nagsasalita. Sumagot siya rito ng todo ang ngiti. "Siyempre, Sir pupunta po kami. Nakakahiya naman pong tumanggi sa invitation ng fiancée niyo. Tell her po na pupunta kami."

"I will. I'm sure, she'll be happy so see you there," anito sabay lakad papasok sa sariling opisina.

Habang nagta-trabaho ay isang bagay ay gumugulo sa isip ni Alice.

Sino kaya ang babaeng magiging asawa ni Sir Francis?

---

"NABALITAAN niyo bang ikakasal na si Sir Francis doon sa babaeng dinala niya sa party?"

"Oo, next week na nga daw ang kasal."

"Pero napansin mo ba na parang mas matanda 'yong babae kaysa kay Sir?"

"Oo nga eh. Sa tingin ko ay parang nasa late 30's na 'yong babae pero maganda naman."

Maging sa Accounting Department kung saan si George ang tumatayong Head ay kalat na rin ang balita tungkol sa nalalapit na kasal ng kanilang CEO.

Minabuti niyang sawayin ang dalawang staff na nadaanan niyang nagkukuwentuhan. Pagbalik sa kaniyang station ay nakatanggap siya ng phone call mula sa dating kapit-bahay na si Mrs. De Guzman.

"Hello, George. Kumusta, si Agnes ito. Napatawag lang ako para itanong sa'yo, alam mo na ba ang balita na ikakasal na ang ex-wife mong si Queenie?"

"Ha, si Queenie ikakasal?" gulat niyang tanong.

"Nagulat ka rin ba? Ang buong subdivision man ay nagulat. Hindi kasi namin akalain na mas mauuna pa siyang ikasal uli kaysa sa'yo, samantalang ikaw naman itong unang nagkaroon ng iba. No'ng una namin siyang tinanong, ang sabi niya ay no comment muna raw. Pero bandang huli ay inamin din niyang ikakasal na nga siya. Nakita na ni Gigi 'yong lalaki dahil minsan na nitong inihatid si Queenie sa bahay. Guwapo raw at mukhang bata pa. Anong masasabi mo George?"

"Well, all I can say is that I'm happy for her. Queenie is a great woman and she deserve to be happy. Sige na, Agnes. I have to go, bye." Bumuntong hininga siya matapos ang tawag. No'ng tanghaling iyon ay hindi muna siya sumabay na mag-lunch kay Alice dahil mas pinili niyang makipag-kita kay Queenie. Laking pasalamat niya nang pumayag ito na kumain ng lunch kasama siya sa isang restaurant.

Habang hinihintay na dumating ang in-order na pagkain ay kinausap na niya ito.

"Narinig kong ikakasal ka na raw."

"Natural maririnig mo, dahil ako mismo ang nagsabi sa'yo, 'di ba? In fact, ikaw ang una kong pinagsabihan ng bagay na 'yon."

"Balita ko ay bata pa 'yong lalaki. Kailan mo siya nakilala? Anong trabaho niya? Anong klaseng pagkatao ang meron siya?" sunod-sunod niyang mga tanong.

"Bakit kailangan mo pang alamin? Kung anong klaseng tao man siya ay wala ka nang pakialam."

"Anong walang pakialam? Nasa puder mo ang anak ko. Paano kung pagmalupitan niya ang bata," pag-aalala niya bilang ama.

"At sa tingin mo ay papayag ako na mangyari 'yon? Huwag kang mag-alala, dahil sinisigurado ko sa'yo na hindi siya 'yong tipo ng tao na magmamalupit sa bata. At para mapalagay ka, sige, sasagutin ko na lang ang mga tanong mo. Oo, mas bata siya sa akin ng walong taon dahil twenty seven lang siya. At para lang malinaw, nagkakilala kami no'ng mga panahong annulled na ang kasal natin. At nagta-trabaho siya bilang CEO ng isang kompanya. Okay na?"

"Twenty seven yearsl old?  CEO?"  He couldn't help but to smirk.  "How long have you known him?"

"Do I have to answer that?  Nu'ng tinanong kita kung gaano katagal mo na akong niloloko kay Alice, hindi ka nga sumagot, eh.  So bakit kita sasagutin."  Nag-uumpisa na itong mairita.  "Hindi nga pala ako nakapag-dala ng invitation. Gusto mo bang ipadala ko na lang sa apartment mo?"

"I'm not here for that. Nandito ako para marinig ang kasiguraduhan na hindi mapapano ang anak ko kapag naikasal ka na sa kung sino man ang lalaki na 'yon. Dahil sa oras na mabalitaan kong may hindi magandang nangyari kay Trisha, kukunin ko sa'yon ang bata. Nagkakaintindihan ba tayo?" seryoso at mariing wika niya.

"George, kung kailangan kong pumatay ng tao para lang protektahan ang anak ko, gagawin ko," seryoso at mariin ding wika nito. Sapat na iyon upang siya ay maging kampante. Maya-maya pa ay dumating na ang pagkain kaya kumain na muna sila.

"Wala ka na bang sasabihin, kung wala na, aalis na 'ko," ani Queenie nang matapos sila sa pagkain ng tanghalian.

"Actually, meron pa." Tumayo si George at iniunat niya ang kamay sa dating asawa. "Ngayong ikakasal ka na, siguro naman. Puwede na tayong maging magkaibigan?"

No'ng huling beses na inalok niya ito ng friendship ay no'ng araw na na-finalize ang annulment ng kanilang kasal. Nasa isang restaurant din sila noon pero sa halip na makipag-kamay sa kaniya at tanggapin ang inaalok niya rito na pakikipagkaibigan ay binuhusan siya nito ng juice sa mukha sabay sabing. "Anong friends, nek-nek mo!"

Dahan-dahan na tumayo si Queenie at kinuha ang isang basong tubig sa lamesa. Napa-atras si George sa pangambang baka buhusan siya uli nito pero ininom lang pala nito ang laman ng baso.

"Sinong nagsabi na puwede na tayong maging magkaibigan, nek-nek mo!" anito sabay walk out.

Napaupo uli si George sabay buntong hininga. Hindi niya napigilan ang darili na mag-isip. 

Sino kaya itong twenty seven year old CEO na pakakasalan ni Queenie?

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now