Chapter 25

9.1K 206 13
                                    

SABAY na dumating sa opisina ang mag-asawang Francis at Queenie kung saan masigla silang sinalubong ng mga empleyado at pagkatapos ay nagpakilala ang mga ito sa kanila.

Ayaw sana ni Queenie na magtrabaho sa FontaGo pero ayaw rin niyang suwayin ang gusto ng biyenan kaya napilitan na lang siyang sumunod.

“Sir Francis, do you want some coffee?” tanong ni Alice habang todo-ngiti.

“No, thanks. I just had one at home,” simpleng tugon naman nito.

“Ako na lang ang ikuha mo, please,” ani Queenie habang may ngiting aso. Pasimple naman siya nitong sinamaan ng tingin.

"Yes, Ma'am," anito at tumalikod na upang sumunod.

"Everyone, baka gusto niyo rin ng kape. Ipagtitimpla kayo ni Alice," announce niya dahilan para nakasimangot siyang balikan ng tingin ni Alice.

"Okay lang naman, 'di ba?" hirit niya.

"Yes, Ma'am okay lang po," labas sa ilong na sabi nito.

"Ako, Alice black coffee. Thanks.”

"Sa akin with cream."

"With cream din sa akin."

"Hot chocolate sa akin, please. Salamat."

Kung puwede lang na maglulundag ay kanina pa ginawa ni Queenie. Masama man pero natutuwa siyang makita ang inis na inis na hitsura ni Alice.

Buhay nga naman. Sinong mag-aakala na ang babaeng umagaw sa asawa niya noon ay inuutusan na lang niya na ipagtimpla siya ng kape ngayon.

Masaya palang magtrabaho dito sa FontaGo.

---

One month later…

Nakatanggap si Queenie ng tawag galing kay George.  Pinapunta siya nito sa rooftop para makapag-usap sila ng personal.

“Anong sasabihin mo? Paki-bilisan lang dahil oras pa ng trabaho ngayon. Marami akong kailangang gawin at alam kong ikaw din,” mataray na bungad niya.

"Mag-resign ka na," walang pasakalyeng sambit nito.

"What?"

"Kung ang gagawin mo lang ay ang pahirapan si Alice sa pamamagitan ng pag-uutos sa kaniya ng kung anu-ano, ang mabuti pa ay mag-resign ka na lang."

Tumaas ang kilay niya. Kung gano'n, nagsumbong na pala ang babaeng 'yon.

Unang araw pa lang kasi niya sa trabaho ay wala na siyang ginawa kundi ang utusan si Alice ng kung anu-anong bagay. Sa umaga ay inuutusan nya itong ipagtimpla siya ng kape. Pinapalabas niya ito upang ibili siya ng pagkain. Kapag may mga document na kailangang i-photo copy ay dito rin niya inuutos. Pati ang pagma-mop ng sahig ay ipinagawa niya rito.

"Para inuutusan ko lang naman siya, pinapahirapan agad? Ano namang masama kung utusan ko siya. Empleyado lang naman siya dito sa kompanya ng asawa ko 'di ba? Kung ayaw pala ni Alice na inuutusan ko siya, eh 'di siya ang sabihan mo na mag-resign. Huwag ako," asik niya.

"Kailangan pa bang lumuhod ako para lang mag-resign ka sa trabaho? Kung 'yon ang gusto mo, luluhod ako."  Lumuhod ito sa harap niya.  "Nakikiusap ako, Queenie. Mag-resign ka na. Hindi mo naman kailangan ng trabaho 'di ba? Pero kami ni Alice, kailangan namin ng trabaho.  So please, ikaw na lang sana ang magbigay at kusang umalis para makapag-trabaho kaming dalawa ng maayos.”

Bumigat ang loob niya habang pinagmamasdan ang nakaluhod na si George.  Naalala tuloy niya 'yong araw na lumuhod din siya sa harap nito at nagmakaawang huwag siyang iwan.

“Tumayo ka na diyan dahil kahit anong pagmamakaawa pa ang gawin mo ay hindi ako magre-resign sa trabaho.  At sabihin mo diyan sa babae mo, humanda siya dahil mas lalo ko pa siyang pahihirapan hanggang siya mismo ang kusang mag-resign,” aniya sa galit na tono.

“Anong nangyayari sa'yo, Queenie? Bakit ang laki na ng ipinagbago mo? Bakit naging masama na ang ugali mo?”  sinabi ni George matapos tumayo.  Bakas sa tinig nito ang pagkadismaya.  “Hindi ka naman dating ganyan, ah. Kilala kita, ikaw 'yong klase ng tao na ayaw nakakatapak o nakakasakit ng iba. Pero ano itong ginagawa mo? Masaya ka ba na nakikitang nahihirapan si Alice? Masaya ka ba na may tao kang natatapakan?  Queenie, kasal ka na at may maganda nang buhay. Hindi ba dapat ang ginagawa mo na lang ngayon ay ang mahalin at alagaan ang anak natin at ang bago mong asawa? Pero bakit mas inaaksaya mo pa ang panahon mo sa pagpapahirap sa ibang tao?  Alam mo ba na sa ginagawa mong 'yan ay lalo ko lang napapatunayan sa sarili ko na tama lang na iniwan kita.  You're so pathetic.”

Pag-alis ni George ay naiwan si Queenie sa rooftop na masamang masama ang loob hanggang sa mapaiyak na lang.  Nasasaktan siya hindi lang dahil sa ginawa nitong pagtatanggol kay Alice kundi pati na rin sa mga sinabi nito patungkol sa kaniya.  Masakit mang aminin subalit tama ang mga tinuran nito.  Bagay lang na tawagin siyang 'pathetic' dahil sa mga maling inaasal niya.

No’ng araw ding iyon ay nagpaalam siya sa asawang si Francis na magre-resign na. 

“Papasok pa ako hanggang Friday. Iyon na ang magiging last day ko. Ako na lang ang bahalang makipag-usap sa Daddy mo tungkol dito," aniya saka tumalikod upang lumabas ng office.

---

FRIDAY night nang magkayayaan ang department nila na pumunta sa bar upang doon magsagawa ng farewell party para kay Queenie.  Bukod sa sayawan at inuman ay naging abala rin sila sa kuwentuhan.

"Sir, puwede niyo po bang i-share sa amin kung paano kayo nag-meet ni Ma'am Queenie?" tanong ng lasing nang si Sara. Naging excited naman na makinig sa isasagot ni Francis ang iba pang mga employee na kasama nila sa table.

"Paano nga ba?" tanong din niya sa sarili.

"Sorry, Sir. May amnesia nga po pala kayo kaya siyempre forgets niyo 'yon." Binalingan ni Sara si Queenie. "Ma'am Queenie, kayo na lang po ang mag-kuwento. Paano po kayo nagkakilala ni Sir Francis."

Interesado rin siyang malaman iyon kaya pati siya ay matamang nakinig.

“First meeting namin ay 'yong binangga niya ako sa kalsada,” sagot ni Queenie.  Kapansin-pansin ang pamumula ng mukha nito dala ng kalasingan.

“Ako ba ang bumangga sa’yo o ikaw ang bumangga sa’kin?” pagdududa niya.

“Ikaw kaya!  Tumatakbo ka noon kasi hinahabol mo ang nang-snatch ng phone mo,” paliwanag nito.  “Hala, speaking of bangga.  Alam niyo ba na no’ng araw na ‘yon ay may manghuhula na nagsabi sa akin na kung sino ang makabangga ko ay ‘yon daw ang lalaking mapapang-asawa ko.  Ikaw ‘yong nabangga ko noon kaya pinakasalan mo ‘ko.”

“Wow!  So, ibig sabihin, meant to be talaga kayo,” kinikilig pang sambit ni Sara.  “Meaning, you are destined to be with each other.”

Really?  Tanong ni Francis sa sarili sabay sulyap sa asawang busy sa pag-inom ng alak.  “Pagkatapos?”

Nag-pause ito at napatingin sa kaniya.  “Huh?”

“Pagkatapos kitang mabangga, anong sumunod na nangyari?  Paano ako nagtapat ng pag-ibig sa’yo.  Paano ako nag-prospose ng kasal?” 

Nagpakurap-kurap ito.  “Gusto mo ba talagang malaman ang buong kuwento about our marriage?”

“Of course.  Tell me.”  Dahil sa amnesia ay nakalimutan na niya ang lahat.  Naisip niyang okay lang na tanungin si Queenie kahit nakainom na ito.  Sabi nga nila, kapag lasing ang isang tao ay hindi na ito makakapagsinungaling pa.  It’s time for him to know the truth.

“Ang totoo kasi niyan, Francis…  Our marriage is fake.” 

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now