-Forty Seven-

5.8K 93 2
                                    

Twitter→ @zyanntrxWP

-Forty Seven-

Gone

Bahagya akong napatawa. Wow! Just wow! Matapos ang lahat ng ginawa nya. May gana pa syang magpakita sakin? Ano ako? Isang bagay na kapag naumay iiwanan nalang tapos bigla-bigla nalang syang susulpot. Kahit gusto ko syang yakapin ay pinigil ko ang sarili ko. Hindi pwedeng lagi nalang ganito.

"I'm tired, kaya pwede ba umalis ka nalang." Bahagya 'kong itinaas ang kanang kilay ko. Ayaw 'kong makita nya na masyado akong naaapektuhan sa kanya.

'Tandaan mo Nam, wala syang pakialam sayo! Pinaglaruan ka lang nya.' Masakit pero pinilit kong isiksik 'yan sa isip ko.

Akmang tatalikod na ako sa kanya nang hawakan nya ang kamay ko. Bahagya akong natigilan, wari'y ilang libong boltahe ang dumaloy sa sistema ko. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang init na nagmumula sa kamay nya. Dumoble ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Shit! Hindi pwede 'to!

"L-let...let me go!" Sinubukan 'kong tanggalin ang kamay nya pero hindi sya nagpatinag. Naramdaman ko pa ang mas lalong paghipit ng kamay nya sa'kin. Wari'y hindi ako makahinga nang maayos sa bawat pagdampi ng balat nya sa'kin.

"You don't know how much I miss you, honey...."

Hindi ko namalayang nahigit na nya ako palapit sa kanya. Back hug. Tila nakakulong ako sa mga bisig nya. Naramdaman ko ang init na nagmumula sa katawan nya. Napapikit ako. Sa mga ginagawa nya mas lalo akong nahihirapang iwasan sya. 'Na parang ngayon gusto 'kong kalimutan ang panloloko nya sakin. Nagsisimula na 'ring mag-init ang sulok ng mata ko. Gustong-gusto ko na syang yakapin pero hindi pwede... hindi pwedeng ganito nalang.

Halos mapigil ko ang paghinga ko nang maramdaman ko ang bawat paghinga nya sa batok ko. Biglang nagwala ang buong sistema ko. Ganito nalang ba talaga ang magiging epekto nya sakin? 'Na sa bawat paggalaw lang nya napapasunod agad ako? Shit! Hindi pwede 'to! Pinaglalaruan ka lang nya, Nam!

"A-ayoko na Jarvis...umalis ka na, please."

Marahas kong ipinikit ang mata ko para pigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala. Parang mas lalong akong naiiyak nang maramdaman ko ang dahan-dahang pagkalas ng mga bisig nya sakin. Parang bigla akong nanghina. Ito naman ang gusto mo diba, Nam? Pero bakit ka nasasaktan?

Hinayaan 'kong iharap nya ako sa kanya. Parang may kung anong kirot ang humaplos sa dibdib ko nang makita ko ang itim na itim nyang mata na nakatingin sakin. Parang gusto ko nalang matunaw sa bawat pagtitig nya sakin. Parang gusto ko nalang syang yakapin at halikan ngayon. Hindi ko maipagkakailang miss na miss ko na sya. Miss na miss ko na ang lalaking kaharap ko ngayon...ang lalaking mahal na mahal ko.

Para akong hinainan ng masasarap na pagkain na hindi ko pwedeng tikman. Tulad ngayon, malapit sya sa'kin pero 'ni hindi ko sya mayakap at mahalikan.

"I'm s-scared...honey. I'm scared of losing you." Hinaplos nya ang pisngi ko at pinagdikit ang noo namin.

Parang gusto ko nalang ipikit ang mga mata ko at isipin na okay lahat, pero hindi pwede.

Tila isang sirang gripo na naglabasan ang mga luha sa mata ko. Pwede 'bang kahit ngayon lang hayaan ko ulit ang sarili kong mapalapit sa kanya? Pinaglaruan nya ako pero heto ako't umiiyak habang nakatitig sa kanya. Naramdaman ko ang bahagyang pagdampi ng daliri nya sa pisngi ko. Pinupunasan nya ang bawat luhang pumapatak sa pisngi ko.

Hindi ko namalayang ako na mismo ang unang yumakap sa kanya. Hinayaan ko ang sarili 'kong umiyak. Sa yakap lang nya ay parang natibag na agad ang pondasyong binuo ko kanina.

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon