MPG36 I Like Him

7K 128 11
                                    

[Sa mga gusto ng dedication, comment lang kayo. Then yung bet kong
comment sa kanya ko ide-dedicate ang next chapter :).]

36. I LIKE HIM


Nam's Pov

Napasambunot nalang ako sa buhok ko. Waaaaahh! Gulong-gulo na talaga
ako. Gusto ko ba talaga si Evil Gangster? Ang lalaking laging ginugulo
ang buhay ko?


Pero imposible talagang may gusto ako sa Evil Gangster. Hindi naman
sya ang ideal man ko. Hindi naman sya gwapo. Tsk! Oo na pero Konti
lang naman. Napailing-iling nalang ako sa mga naiisip ko.


"Huy! Nam Anong nangyayari sayo?" nabigla nalang ako ng may kumulbit sa'kin.

"Wala lang, may iniisip lang ako." sagot ko kay Nem tsaka ngumiti.

Napa-upo nalang ako sa bed ko. Bakit ba ako nagpapa-apekto sa Evil
Gangster na yun diba? Nam, 'wag mo ng isipin ang panget na Evil
Gangster na yun.

"Iniisip mo si Jarvis ano?" napa-angat bigla ang ulo ko.

Tiningnan ko sya ng may halong pagtataka. Paano nya nalaman? Mind
reader na ba sya ngayon?

Nagulat ako ng tumawa sya bigla. Hala! Baliw na ata 'tong si Nem,
bigla-bigla nalang tatawa. Tsk! Wala namang nakakatawa diba?

"Hahaha~ miss mo na agad 'yang honey mo Nam. Hay Naku! Puntahan mo
kaya." napa-isip bigla ako sa sinabi sakin ni Nem.

Nami-miss ko ba talaga sya? Napahawak bigla ako sa dibdib ko. Bakit ka
ba nagkakaganyan little heart?

Mukang gusto ko talaga si Evil Gangster. Tsk! Ang gulo ng naman ng
puso ko. Kung kanino pa ako bwisit ma bwisit sa kanya pa ako
nagkagusto.


"Huy, Nam 'bat ang tahimik mo dyan? Puntahan muna si Papa Jarvis baka
mamaya maunahan ka pa ng iba dyan. Bahala ka!" napatindig bigla ako sa
sinabi ni Nem.


Parang biglang nakaramdam ako ng takot. Takot na maunahan ng iba.
Waaaahh! Bakit ba ako nagkakaganito?

Ayoko na ulit masaktan. Tsaka masaya na ako sa kapatid ko at para kay
Kevin. Puntahan ko nga kaya sya? Nakakain na kaya sya?

Tama, pupuntahan ko sya!

Agad kong niyakap si Nem na halata namang ikinagulat nya. "Thank you
talaga Nem. Sige, magluluto muna ako."


"It's okay Nam. Ipagluluto mo ba ang boyfriend mo?"

Napatigil bigla ako. Boyfriend? Si Evil Gangster boyfriend ko? Hindi
ko alam pero bigla akong napangiti.

"Oo, ipagluluto ko ang..... boyfriend ko." pagkasabing-pagkasabi ko ng
mga katagang yan umalis na ako.

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon