-Forty Eight-

5.8K 94 0
                                    

Twitter→ @zyanntrxWP

-Forty Eight-

Real Enemy

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng club ay sumalubong na sa'kin ang maingay at mausok na paligid. Napansin ko na naman ang mga malalagkit na tingin sa'kin ng mga lalaki. I'm wearing red tube,  micro mini skirt and 6 inches killer heels. Sa klase ng suot ko ay kaunting galaw ko lang ay alam kong masisilipan na ako. Kung dati ay hindi ako sanay sa ganitong damit pero ngayon, halos araw-araw ay ganito kaikli ang suot ko.

Ginantihan ko lang sila ng isang mapang-akit na ngiti. Sanay na ako sa mga lalaking ganito, halos pare-parehas lang naman kasi sila.

"Hey, sexy!"

Sandali akong tumigil at binalingan ang lalaking nagsalita. Matangkad siya at sadyang napakalaki ng katawan. He's hot. Lumapit ito sa'kin at agad hinapit ang beywang ko. Napangiti nalang ako.

Pumunta kami sa gitna ng dance floor. I slowly sway my hips seductively. Ramdam na ramdam ko ang tingin sa'kin ng lahat ng tao. Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila. Bahagya 'kong inilagay sa batok niya ang kamay ko. Napansin ko agad ang pagkibot ng labi nya. Muli 'kong pinag-igihan ang pagsayaw ko. Sinasabayan ko lang ang beat ng music.

Bahagyang siyang lumapit sa'kin at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa tainga ko. "You're really hot, baby."

Isang mapang-akit na tawa lang ang ginanti ko sa kanya. Sanay na ako na marinig ang mga salitang iyan gabi-gabi. Pare-parehas lang sila ng sinasabi.

I raised both of my hands in the air and begun dancing. I grinned when I felt his hands pressing on my waist. Muli kong ibinalik ang kamay ko sa batok nya.

Aksidenteng nahagip ng mata ko ang isang bulto ng lalaki na nakatayo habang nakatingin sa'kin. Bahagya akong natigilan. Pilit kong inaninag ang mukha nito pero bigo ako. Masyadong madilim sa dako niya.

"What's wrong baby?"

Napatingin ako sa lalaking kasayaw ko. "N-nothing.." Ngumiti ako ng pilit.

Itinuon ko nalang ulit ang pansin sa lalaking kasayaw ko. Napahawak ako sa dibdib niya dahil sa ginawa nitong paghapit sa'kin. Napatigil bigla ako ng may maramdaman akong kakaiba.

"I'm having a hard time baby. Let's go somewhere." Akmang hahalikan na niya ako ng agad ko siyang naitulak. Damn him! Matalim ko siyang tiningnan.

Tiningnan niya ako ng may pagtataka sa mukha. May ilan ang napatigil sa pagsasayaw at pinanuod lang kami.

"I know you're enjoying—"

"Well I'm not."

Tumalikod ako. Bago pa man ako nakahakbang ay may humawak na sa braso ko. Nakaramdam ako ng inis. Hindi ba pwedeng umalis nalang ako? Ano ba sa sinabi ko ang hindi niya maintindihan?

Humarap ako sa kanya. Bahagya kong itinaas ang kilay ko. Napansin kong halos lahat ay nakatingin sa'min.

"Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan?" Bahagya ko siyang sinipat mula ulo hanggang paa. Napangisi ako. "You are boring!"

"You made me like this bitch! Magugustuhan mo rin 'to."

Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Sanay na ako sa mga ganito. Mas makulit nga lang ang isang ito. Shit! Gusto ko nalang umuwi at matulog. Masyado akong pagod para sa mga ganito.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa'kin. Ngumisi pa ito bago hawakan ang mukha ko. Agad ko siyang itinulak pero masyado siyang malakas.

"Get your damn hands off my girl!"

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Where stories live. Discover now