-Forty Six-

6.6K 116 14
                                    

Twitter→ @zyanntrxWP ♡

-Forty Six-
Unreturned Love

"Shit! Evil Gangster sumagot ka!" Sambit ko sa sarili 'ko.

Kahapon 'ko pa siya tinatawagan pero 'ni hindi man lang niya sinasagot. Halos hindi ako makatulog kakaisip! Gusto 'kong mag-usap kami. Baka masyado lang siyang stress kaya niya nasabi ang mga iyon. Kilala 'ko siya! Hindi siya katulad ni Kevin, hindi niya ako sasaktan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwala na hindi niya ako mahal. Alam 'kong may dahilan siya.

"Nasaan ka na ba? Bakit ayaw mo pa 'ring sagutin?" Hindi 'ko na mabilang kung ilang beses 'ko na siyang tinatawagan pero lagi lang patay.

Paikot-ikot lang ako sa kwarto 'ko. God! Kinakabahan ako. Hindi rin siya pumapasok sa school or nagpapakita sa'kin. Ayaw 'kong maniwala na wala na talaga. Ayaw 'ko! Baka may problema lang siya. Kilala ko siya.

Tumutupad siya sa pangako niya.

Napabuntong hininga ako nang wala na namang sumagot sa tawag. Wari'y maya-maya lang ay mababaliw na ako sa kakaisip. Masyado ba siyang busy kaya laging patay ang phone niya? Baka naman hindi niya laging dala ang phone niya kaya hindi niya alam na tumatawag ako. Marahas 'kong pinikit ang mata 'ko. Siguro nga!

Napaupo ako sa kama. Gusto 'kong maiyak. Girlfriend niya ako pero sa nangyayari ngayon parang daig pa namin ang hindi magkakilala. 'Ni hindi 'ko alam kung nasaan siya o kung ano ba ang ginagawa niya. Kung may problema 'man siya dapat sinasabi niya sa'kin. Naiinis ako sa sarili 'ko. Para kasing ang sama-sama 'kong girlfriend. Dapat nasa tabi lang niya ako. Dapat tinutulungan 'ko siya sa problema niya.

Kumuha ako ng isang unan at ibinaon 'ko ang mukha 'ko dito. Gusto 'kong sumigaw!

Nasaan ba talaga siya?

"Ano 'bang nangyayari sayo Evil Gangster?!" Hindi 'ko napigilang sumigaw. Naramdaman 'ko ang pagpatak ng luha sa pisngi 'ko.

----

Napalingon ako ng bumukas bigla ang pinto. Napabangon tuloy ako.

Siguro akala nila nababaliw na ako. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Nem na pumasok.

"May problema ba Nam?" Tanong nya sakin. Naipaliwanag ko na kay Nem lahat. Simula nung una naming pagkikita ni Kevin. Yung panliligaw nya sakin. At yung pag-aakala ni Kevin na ako si Nem.

"Wala Nem."

Lumapit sya sakin. Nagulat ako ng yakapin nya bigla ako. Parang lahat ng luhang pinipigilan ko kanina ay bigla nalang bumuhos. Gumanti ako nang yakap sa kanya. Masarap magkaroon ng kapatid na katulad ni Nem.

Napakamature na nyang mag-isip, hindi sya nagdalawang isip na pakinggan yung side ko.

"I'm really sorry Nem." Hinigpitan ko ang yakap sa kapatid ko.

"Tsk! Okay na yun Nam. Hindi mo naman kasalanan. Naku! Hindi talaga bagay satin ang mag-emote!" Iniharap nya ako sa kanya at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Ngumiti sya sakin na para 'bang walang nangyari.

"Nag-usap na 'ba kayo ni Jarvis?"

Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan nya. Parang bigla nalang bumalik ang lahat ng sakit. Umiling ako sa kanya at pinilit ngumiti.

"Tawagan mo kaya ulit, baka busy lang kanina. Don't worry mahal ka nun, kitang-kita ko sa mata nya." Ngumiti sakin si Nem at nag-gesture na may kailangan lang syang gawin. Tumango lang ako.

Agad kong dinial ang number nya. Kinakabahan ako. Naramdaman ko ang panlalamig ng pawis ko. God! Sana naman sagutin na nya.

"What do you need?"

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon