-Forty Four-

6.9K 97 10
                                    

Twitter→ @zyanntrxWP

-Forty Four-

Because I Love You

"Gosh! Who's this girl Jarvis?" Tiningnan ako nung babae mula ulo hanggang paa. Hindi ko maitatanging maganda sya. Mas maganda sya sakin at mas sexy. Hindi ko magawang magalit sa babaeng 'to. Baka isa rin sya sa mga biktima ni Evil Gangster.

Unti-unting nanlalabo ang mata ko parang anytime lalabas na ang luha ko. Mas lalo ko pang naramdaman ang sakit ng hindi man lang nagsasalita si Evil Gangster. Ganon? Gaguhan lang ba to? Gusto ko syang pagsasampalin para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong isumbat sa kanya kung bakit nya ako niloloko. Nagsawa na ba sya sakin?

"Z-yra, what are you doing here?"

So Zyra pala ang name nya? Napatawa ako ng bahagya. Ang sakit! Buong linggo akong nag-aalala sa kanya tapos lolokohin nya lang ako? Halos mamatay ako kahahanap kung nasaan sya tapos ganito. Nakakaasar! Siguro kaya andali nyang iwasan ako dahil nandun sya sa Zyra nya. Aaaarrgh! Kung niloloko nya lang ako pwes panalo sya. Nasaktan na nya ako.

Tiningnan ko muli si Evil Gangster. Selos yan ang nararamdaman ko pero mas nananaig ang galit. Sino ba namang girlfriend ang hindi magseselos? Damn! Gusto kong itanong sa kanya kung nagkulang ba ako? Gusto ba nya yung ganito rin ako kasyosal? Or talagang ayaw na nya sakin? Na sobra ko na syang nasasakal.

"Tsk! Jarvis didn't you miss me?" tumalikod agad ako bago pa man tumulo ang luha ko. Nakakaasar! Bakit kailangan sa harap ko? Para akong nanunuod ng isang movie na ako ang kontrabida sa sarili kong story. Harap-harapan akong niloloko. Napapikit ako at dinama ang sakit ng may maramdaman akong humawak sa kamay ko. Mas lalo akong naiyak. Gusto ba nyang mas masaktan ako? Gusto ba nyang panuodin ko sya habang naglalambingan sila ng Zyra nya?

"Stay." may diin sa mga salita nya habang sinasabi nya yun.

Gusto ko syang sampalin para malaman nyang hindi ko na kaya. Masyado na akong nasasaktan.

Mas lalo akong nainis. Kung hindi pa siguro ako aalis dito baka hindi ko na kayanin. Para akong pinapatay unti-unti dahil sa ginagawa nya. Isang matinding torture. Umiling ako kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi ko.

"I c-cant.." hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko para sabihin yan. Dahil sa ngayon hinang-hina na ako gusto ko nalang matulog at baka paggising ko maayos na ang lahat. Na isa lang 'tong panaginip. Masakit na panaginip.

Tinabig ko ang kamay nya pero mahigpit ang pagkakahawak nya dito. Sana ganyan din ako kahigpit sa puso nya atleast hindi nya magagawa ang mga ito. Hindi nya magagawang bitawan ako ng ganito kadali.

"Who's this girl ba? Is she one of your fling, Jarvis?"

One of his fling?

"Stop it Zyra. She's my girl." kasunod nun ay bigla nalang akong hinila ni Evil Gangster sa kanya. Nakayakap sya sakin. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Parang anytime pwede nalang tumalbog yung puso ko.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hindi ko manlang makontrol ang sarili kong puso? Parang sya ang may-ari ng nitong puso ko dahil sya lang ang nakakagawang kumontrol nito. Dapat galit ako sa kanya ngayon. Niloloko nya ako diba? Ako na ata ang pinaka tangang babae ngayon. Pwedeng-pwede ko naman syang itulak kong gusto ko diba, hindi ko lang magawa. Sa salita lang nyang yun lahat ng nararamdaman kong galit bigla nalang naglahong parang bula. Martyr ba? Sadista? Pwede na siguro akong parangalan ngayon dahil sa ginagawa ko sa sarili ko. Heto ako ngayon yakap-yakap nya.

"OMG Baby! she must be Nam." lumapit yung babae sakin. "You're Nam right?" nakangiti nyang tanong sakin. Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nya ako kilala? Kilala nya rin ba yung ibang flings ni Evil Gangster? Kung tama nga ang sabi nyang isa ako sa flings ni Evil Gangster. Baka naman may list sya ng mga naging girlfriends nito.

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon