-Forty-

6.5K 103 10
                                    

-Forty-

Her Side

Hindi ko magawang alisin ang titig ko sa kanya. Nakakapanlambot ang mga mata nya. Halos parang tumatagos ito sa buong pagkatao ko. Umuurong ako sa bawat paglapit nya sakin. Seryosong-seryoso ang mukha nya na lalong mas nagpagwapo sa kanya. OMG! Nam bakit hanggang ngayon

kagwapuhan pa rin ni Evil Gangster ang iniisip mo? 

"E-evil Gangs—"

"You know what Nam," napapikit ako ng hawakan nya ang labi ko. Shet!

Halos mapaigtad ako sa kaba. Gahd! Bakit imbis na daliri nya ang nakadampi sa labi ko, iniisip ko na labi nya yun?

Nababaliw na talaga ako! "You really turn me on." napapikit ako ng nagbadya syang hahalikan ako.

Naramdaman ko ang bawat hininga nya sa mukha ko papunta sa leeg ko. Bakit amoy mint? Ambango! Nanatili lang akong nakapikit. Humawak ako sa dibdib ko. Ang lakas pa rin ng kabog. Sya lang ang gumagawa sakin nito.

Nagulat ako ng maramdaman kong may humablot sa dala kong tupperware.

"You're cute Nam!" napamulat ako ng marinig kong tumawa sya. What the!

"I— thought.." bulong ko sa sarili ko.

"Anong iniisip mo Nam?" sumulyap sya sakin. Agad bumaba ang tingin ko sa katawan nya. Bakit parang nagiging manyak ako pagdating sa kanya?

"W-ala!" sagot ko.

"Tsk! You thought I'll kiss you, right?" tanong nya. Tinitigan ko ang mukha nya. Nagulat ako ng bigla nyang kagatin ang labi nya. Hindi ko

alam kung sinasadya ba nya yun or hindi. Nakumpirma ko lang yun ng ngumisi sya ng malaki.

Naramdaman ko agad ang pamumula ng pisngi ko. Umiwas ako ng tingin.

Buti nalang at hindi na sya nagsalita. Umupo nalang ako. Mukhang nasarapan naman sya sa adobo na niluto kaya napangiti ako.

Shet! Muntik ko ng hindi maalala ang dahilan ng pagpunta ko dito. Gahd! Bakit tuwing kasama ko sya nawawala ako sa sarili. Napailing nalang ako.

Dapat talaga hindi nalang ako pumayag sa plano nila. Grrr! Hindi ko man lang alam kung paano ko sisimula. Yung ibang napapanood ko na nang-seseduce, sumasayaw sila sa harap nito. Agad kong inimagine ang sarili ko na sumasayaw habang nakaharap sa nakangising si Evil Gangster. Agad akong umiling. OMG! Hindi ko talaga kaya. Sumimangot ako. Parang wala naman akong epekto sa kanya. Tsk! Anong gagawin ko?

Nagulat ako ng may kamay na dumausdos sa beywang ko. Lumingon agad ako. Nakangiting si Evil Gangster. Hindi ko man lang napansin na tapos na sya.

"C-an we talk?" tumayo ako at humarap sa kanya. Kasi kung malapit lang ako sa kanya baka bigla nalang akong mawala sa sarili.

"Nag-uusap na naman tayo, ah?" kumunot ang noo nya habang nakatingin sakin.

"I mean... about us." sagot ko. Nagtaka ako ng titigan nya bigla ako.

"I love you Nam. Isn't it enough?" lalong lumakas ang pintig ng dibdib ko. Nadoble kumpara kanina. Napangiti ako sa sinabi nya. Ramdam na ramdam ko ang mga insekto sa tiyan ko.

Hindi ko magawang makapagsalita. Nakatitig lang ako sa mata nya. Ang pupungay ng mata nya pero itim na itim ang kulay nito. Nakakatunaw talaga ang bawat titig nya.

"I know, I'm not good for expressing my feelings." lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko pa rin maalis ang titig ko sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang sensaridad. "Always remember

Nam that, you own me." naramdaman ko nalang ang labi nya sakin. Namula

agad ang pisngi ko. Hindi ko akalain na sasabihin nya sakin ang mga ito. I know na masyado syang malihim at tahimik. Humiwalay sya sakin. Parehas kaming humihingal. Nanatili lang magkalapat ang noo namin. Nakatingin lang sya sakin.

"I really love you Nam." aniya at hinalikan nya ulit ako. Ramdam na ramdam ko sa halik nya ang pagmamahal nya. It was a passionate kiss.

***

Hindi pa rin matanggal sa labi ko ang ngiti. OMG! Siguradong magiging masaya rin sina Hanna sakin. Kahit hindi nya sinabing girlfriend nya ako. Ang mahalaga alam namin sa isa't-isa na may relationship between

us.

*ting*

Lumabas na ako ng elevator. Tumanggi na ako na ihatid ni Evil Gangster. Baka kasi may mahalaga pa syang gagawin. Tsaka magkasama na naman kami kanina. Buti nalang pumayag. Nagulat ako ng mapansin ko ang Mama ni Evil Gangster na sasakay ng elevator.

"Tita!" lumingon sya sa dako ko. Lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"Ikaw yung girlfriend ng anak ko diba?" napaawang ang labi ko sa tanong nya. OMG! Nung last time na nagkita kami ang sabi ko sa kanya hindi ko boyfriend si Evil Gangster. Hindi ko akalain na hanggang ngayon yun pa rin ang akala nya.

"Ahmm.. Opo. Pupunta po ba kayo sa condo ni Ev— I mean Jarvis?"

Ang kaninang nakangiting mukha nya ay napalitan ng lunggkot. Mukang

hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita. "S-orry po tita."

"It's okay. Mama nalang hija." ngumiti sya sakin pero halatang malungkot. Katulad ng mata nya ang mata ni Evil Gangster.  "Pwede po ba kitang maka-usap M-ama?"

Nagtaka sya sa tanong ko. Naalala ko kasi agad ang ipinangako ko sa Mama ni Jarvis na tutulungan ko silang magkaayos. Tumango sya sakin.

"Dun nalang po tayo mag-usap sa lobby." sabi ko. Naglakad kami ng sabay. Napansin ko na medyo pumayat ang Mama nya. Siguro dahil na rin sa relasyon nila ng kanyang anak.

"Ano nga pala ang pag-uusapan natin hija?"

"About po kay Jarvis." nag-aalinlangan kong sagot. "Gusto ko po talagang magkaayos kayo M-ama para rin po kay Jarvis." sabi ko.

Tumango sya. Halatang pinipilit nyang hindi umiyak. Alam kong masakit sa isang ina na makitang galit sa kanya ang anak nito.

"Hija, noong bata palang sya umalis ako at pumunta ng ibang bansa para magtrabaho. Nung time na yun nalugi ang negosyo ng asawa ko. Ayokong makitang nahihirapan ang anak ko. Ayokong tumigil sila sa pag-aaral.

Sinabi ko sa asawa ko na 'wag ipaalam sa mga bata na nalulugi na ang kompanya. Ayokong mag-alala sila. Noong time na yun ayaw akong pagtrabahuhin ng asawa ko. Ayaw nyang umalis ako, pero hija gusto kong

maibigay ang pangangailangan ng mga anak ko kaya kahit ayaw kong mawalay sa kanila ginawa ko pa rin," nagsimula ng humagulgol si Ti— Mama. Hindi ko alam na ganon pala ang nangyari sa kanila noon. Naiintindihan ko sya dahil kahit si Papa noon sa ibang bansa rin

nagtrabaho. Lumapit ako kay Mama at niyakap sya. "Ayokong maranasan

nila ang hirap. Kaya nagtrabaho ako ng mabuti sa ibang bansa. Nag-ipon

ako para muling maitayo ang kompanya namin. Hindi ko inaasahan na pagdating ko dito galit sya sakin. Galit sakin ang anak ko."

Humigpit ang yakap nya sakin. Alam kong ang iniisip lang ng isang ina ay ang kapakanan ng kanyang anak. Alam kong mabuting magulang ang Mama ni Evil Gangster. Buo na ang desisyon ko na ayusin ang relasyon nila

ni Evil Gangster.

Ramdam kong hindi tuluyang magiging masaya si Evil Gangster hanggang

may galit sa puso nya. Mahal ko sya kaya gusto kong mawala ang galit na iyon. Sana lang magka-ayos sila.

I love him so much kaya gagawin ko ang lahat para magka-ayos sila ng Mama nya.

****

Dedicated to @imlovehazel. Thanks sa todong pag-comment. Keep on supporting!

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon