MPG35 Weird Feelings

7.3K 111 4
                                    

35. WEIRD FEELINGS

Nam's Pov



"T-teka Evil Gangster!" patuloy lang sya sa paghatak sa'kin. Bakit ba
sya higit ng higit nalang? Hindi ba sya nabahidan ng pagka-gentleman?
Nang makita nya kanina na kausap ko ang Mama nya bigla nalang nya
akong hinigit. Yung totoo anong problema ng Evil Gangster na 'to?



"Bitawan mo nga ako Evil Gangster, baka hinahanap na ako ni Ji."
Naiwan kasi namin sya sa parking lot. Baka mamaya hanapin ako nun.


Tumigil sya sa paghila sa'kin. Nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas
naman naisipan nya 'ring tumigil.



"Wag na 'wag mo syang iisipin kapag kasama mo ako." napatingin ako sa
kanya ng deretso. Ano 'bang problema nito? At sino daw ang wag kong
isipin? Si Ji? Yung mama nya? Tsk! Ang gulo talaga nya. Tsaka ano
naman sa kanya? Napa-iling nalang ako, kay lalaking tao pagka-arte.


Hindi pa rin sya lumilingon sa'kin. Para syang galit.  Nakaramdam ako
ng inis. Sya pa talaga ang may ganang magalit ha? Ang gulo nya >_<.


"At bakit naman?!" Lumapit ako sa kanya.



"B-basta." at pagkatapos nyang sabihin yun hinatak nya ulit ako. Okay,
what was that?



"Oy, Evil Gangster saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko sa kanya.
Napasimangot nalang ako ng hindi nya ako pinansin. Seryoso lang ang
mukha nya habang naglalakad kami. Gwapo sana 'to eh, ang sungit nga
lang. Konti lang naman.



"Evil Gangster, bitawan mo nga yung kamay ko!" Grabe! Hindi ba nya
napapansin na kanina pa ako hirap na hirap dito kahahatak nya. Para na
ata akong tangang hatak-hatak nya.


"Hoy! Mr. Woon, ang pangit mo!!" mas nilakasan ko pa ang pagsigaw.
Nakita kong napatingin ang ilan sa'kin. Tss bahala sya. Nakakainis sya
>__<



"Ang panget ni Evil Gangster la la la~" nag-hum pa ako. Nakangiti pa
ako ng sobrang tamis habang nakatingin sa kanya. Pero sa loob-loob ko
gusto ko ng manapak.



"Ang panget tala--"



"Anong sabi mo?!" napatigil ako sa pagsasalita ng nilingon nya ako.



Tiningnan ko ang mga mata nya na sobrang itim. OMG! mali ata ang
nasabi ko kanina. Para nya tuloy akong kakainin ngayon.



Bigla nya akong hinatak palapit sa kanya. Nakaramdam ako ng kaba.



"O-y, Evil Gangster. Joke lang yun. Hahaha~ tawa tayo! Dali!!" sabi ko
sa kanya. Waaaaahh! Ang seryoso pa rin ng mukha nya. Para nya akong
kakainin. Ganon ba ka-big deal ang pagtawag ko sa kanya ng panget? Eh
panget naman talaga sya diba? Ngayon ko lang nalaman na masamang
magsabi ng totoo.



Unti-unti nyang inilapit ang mukha sakin. WTF? Hahalikan ba nya ako?
Nakita kong ngumisi sya bigla. Pinaglalaruan ba ako ng panget na 'to?

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon