MPG33 Jarvis Vs. Ji

7.7K 134 7
                                    


33. JARVIS VS. JI?


Nam's Pov



"Hanna, lately napapansin ko na parang hindi nagpaparamdam si Evil
Gangster. Sa tingin mo? Anong nangyari dun?" tanong ko kay Hanna.
Pinagpatuloy ko na ulit ang pag-rereview. Malapit na rin kasi ang Exam
namin. Ayoko namang bumagsak.



Napansin kong hindi sumasagot si Hanna kaya inangat ko ang ulo ko at
laking gulat ko na nakatingin lang sya sa akin. Seryoso lang ang mukha
nya. Para bang kakainin nya ako ng buhay. Waaaahh! ang creepy.


"B-bakit naman ganyan ka makatingin Hanna?" tanong ko sa kanya na
halatang may takot sa boses. Kahit bestfriend ko 'to natatakot talaga
ako.


Nagulat naman ako ng biglang magbago ang expression ng mukha nya. Mula
sa kaninang nakakatakot na mukha nya ngayon nakangiti na sya. Hindi ko
alam kung totoo bang may sapak talaga 'tong bestfriend ko. Kanina lang
nakakatakot tumingin tapos ngayon sobrang amo ng mukha.


Nakahinga ako ng maluwag. Napa-iling nalang ako, dapat na talaga akong
masanay na ganito ang bestfriend ko.



Bigla nalang akong nakaramdam na may sumusundot sa tagiliran ko.


"Yiiieeeeh~ kaw ha? Na-mimiss mo rin pala ang HONEY mo. Hahaha!"


Halos lumaki ang mata ko sa sinabi nya. Tsk! Talagang in-emphasize pa
nya ang salitang 'Honey'. At ano daw? Si Evil Gangster mami-miss ko?
Tsk! Hinding-hindi yun mangyayari. Sa totoo nga ang saya-saya ng araw
ko nung wala si Evil Gangster. Kaya sobrang labo talaga!


"Tsk! Hindi-hindi yun mangyayari Hanna. As in NEVER!" sagot ko sa
kanya. Talagang inemphasize ko ang salitang 'never' para tigilan na
ako ni Hanna sa kakatukso.


Nakita kong umiling-iling lang si Hanna. "B-bakit parang hindi ka
naniniwala Hanna? Ako kaya ang bestfriend mo!" napansin ko kasi na
parang hindi sya naniniwala sa sinasabi ko. Parang kinakampihan pa nya
si Evil Gangster.


"Hahaha! Masyado kang defensive bestfriend. Easy ka lang!
Napaghahalataan ka tuloy. Hahaha!" tiningnan ko si Hanna ng masama.
Hindi ko lang talaga maintindihan kay Hanna at kung bakit parang
pinagpipilitan nya sakin si Evil Gangster. Hindi naman kaya mabait si
Evil Gangster. Gwapo? May itsura lang naman sya pero hindi sya gwapo
tulad ni Kevin.


Nag-peace sign lang sya pero halata pa rin sa kanya na natatawa sya.


"Hmp! Hindi ko nga sabi namimiss si Evil Gang---" hindi ko naituloy
ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita.


"Tsk! Missing me honey hauh?" sa una naguluhan ako. Baka kasi hindi
kami yung kinakausap. Tiningnan ko si Hanna at nakanguso lang sya na
parang may tinuturo sa likod ko habang kinikilig.


Dahan-dahan akong lumingon at laking gulat ko ng makita ko si ...Evil Gangster?

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon