-Sixteen-

9.3K 157 14
                                    

-Sixteen-

Unexpected

Nam's Pov

"Alam mo Nam, naikwento ka sa akin ni Kevin kanina."

Bigla akong napatingin kay Nem. Baka kwinento ni Kevin yung past namin. Naku! >________<

"A-ano kwinento... n-nya sayo?" -medyo kinabahan ako sa sinabi nya sa akin. Hindi ko pa rin kasi nasasabi kay Nem yung tungkol sa amin ni Kevin. Ano kaya yung kwinento ni kevin? Sinabi nya kaya na ex girlfriend nya ako?

"Ah, kwinento nya lang na napagkamalan nya na ikaw ay ako. Hahaha."- paliwanag nya sakin.

"Nam, friend mo pala ang long time crush ko. Hihihi... ^O^ Ang swerte mas naging madali ko sya nakita. Thank you sister. ^___^"- sabi ni Nem. Napangiti ako ng bahagya dahil sa sinabi nya, masaya ako dahil masaya ngayon si Nem. Pero 'di ko maiwasan masaktan. 

Nabigla ako ng bigla nalang nya akong niyakap.

"Thank you talaga Nam."

"Masaya ako Nem, dahil masaya ka ngayon."

Humiwalay na sya ng yakap sakin.

"Nililigawan ka na ba ni... K-kevin Nem?"- bigla nalang yang lumabas sa bibig. Alam ko na naman na mahal ni kevin si Nem, kaya posibleng nililigawan na sya nito. Bigla namang ngumiti si Nem.

Sa pag-ngiti nya, biglang may kumirot sa puso ko. Para akong tinutusok. ;"/

"Hindi Nam, magkaibigan palang kami."- sabi nya.

Napatingin ako sa wrist watch ko, hays 8:30 na pala agad.

Naalala ko na naman yung pag-uusap namin ni Kevin kanina sa rooftop. Hays,

'Nam, kalimutan mo nalang si Kevin.'

Sana pwedeng kahit sa isang iglap man lang makalimutan ko sya.

"Manong, malapit na po ba tayo sa bahay?"- biglang tanong ni Nem kay manong.

Ngayon ko lang napansin na traffic pala ngayon. Saka mukang magulo sa labas, I decided na buksan yung window ng kotse.

"F*ck"- narinig kong malakas na sigaw.

Parang may gulo, tss.. Kaya pala ang daming tao na nakapalibot. Pero bat kailangang dito talaga sila manggugulo. Leche naman, ang daming naaapektuhan.

"Nam, whats happening?"- napatingin ako ng saglit kay Nem.

"May gulo ata."

Sumilip si Nem sa labas, parang sinisigurado nya na kung may gulo ba or wala.

"Mukang meron nga Nam. Hays, paano tayo makakauwi nyan ng bahay?"- sabi ni Nem, tss.. Oo nga paano kami nito makakauwi. Wala namang mangyayari kung andito lang ako sa loob ng kotse. I decided na lumabas, para tingnan yung gulo.

"Nam/Ma'am, saan ka pupunta?"- sabay na tanong ni manong at Nem sa akin. Humarap ako sa kanila.

"Titingnan ko lang kung anong nangyayari dun."- sagot ko sa kanila sabay turo dun sa part ng maraming tao.

"Nam, baka mapahamak ka. 'Wag nalang, dito nalang tayo sa loob ng kotse."- sabi ni Nem.

Bakas sa mukha nya ang pag-aalala. Napabuntong hininga ako.

"Hindi ako mapapahamak Nem, promise titingnan ko lang yung nangyayari then pupunta na agad ako dito."- paliwanag ko sa kanya.

"Pero----"

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon