MPG34 Mrs. Woon?

7.8K 111 2
                                    

34. MRS. WOON?


Nam's Pov


"Aish! Ano bang gagawin ko?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin
sa salamin. Mukang mababaliw na ata ako dito kaka-isip kung paano ko
matatakasan ang dalawang asungot sa buhay ko.


Bakit ba kasi hindi ako matalino? >_< Kainis naman oh! Para na ata
akong timang dito. Siguro kung may makakakita sakin ngayon, iisipin
isa akong napakagandang baliw.



Paano kaya kung sabihin ko nalang na masama ang pakiramdam ko?
Napangiti ako. Siguro naman maniniwala sila sakin diba? Hihihi..
Kapani-paniwala naman ang itsura ko. Bakit ba ngayon ko lang yun
naisip?



Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Kaya mo yan Nam. Nagsimula
na akong maglakad palabas ng rest room.


*tingin sa left*


*tingin sa right*


Pwede na siguro akong maging spy sa ginagawa kong ito.
Napangiti ako ng sobrang lapad ng hindi ko makita ang anino ng
dalawang gangster na yun.



Siguro napagod na sila kakasunod sakin kanina. Hahaha! O baka naman
silang dalawa nalang ang namasyal? Mwahahaha! Naiisip ko palang,
parang masusuka na ako. Pffft.. Bromance lang.



Nagsimula na akong maglakad. Syempre nag-iingat pa rin ako, baka kasi
mamaya bigla nalang sumulpot yung dalawa na yun. Mga kabute pa naman
yun lalo na ang Evil Gangster na yun. Hay! Hanggang ngayon naiisip ko
pa rin si Ji, Oo inaamin ko naman na may konting paghanga ako kay Ji.
Konti lang naman as in nababaitan lang ako sa kanya. Crush ata tawag
dun.



Hay! Ano ba yan Nam, ang landi lang.



Napansin ko na malapit na pala ako makalabas ng Woon University. Mas
binilisan ko na ang paglalakad. Tumitingin ako sa kaliwa't kanan ko
habang tumatakbo. Baka kasi mamaya andyan lang sila sa tabi-tabi.


*boogsh*


Napahawak agad ako sa parteng puwitan ko. Ang sakit, grabe lang. Ang
tigas kaya ng binagsakan ko.



Sino ba ang walang matang asungot na bumangga sakin? Leche! Ang sakit talaga.



"Tsk! Balak mo pa akong takasan ....Honey?"



Nagulat ako sa narinig ko. Ano daw? Honey? Gosh! Si Evil Gangster.
Tumingin ako sa left side at right side ko. Bakit wala? Pero kasi...
narinig ko talaga. Hindi ako pwedeng magkamali.



"Psh. Numb" napatingin ako sa unahan ko. Halos lumuwa na ang mata ko
sa nakita ko.



"E-evil Gangster?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kabute nga talaga
sya, bigla-bigla nalang sumusulpot. Aish! Akala ko wala na sya dito?



"Tsk! Masyado ka na namang nagwapuhan sakin?" sabi nya. Inilapit nya
pa ang mukha nya sa mukha ko.

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon