-Special Chapter-

9.7K 214 18
                                    

Twitter→ @zyanntrxWP ♡

-Special Chapter-

"Honey..."

Tumingin-tingin ako sa paligid. Shit! Nandyan na siya! Agad akong tumakbo papunta sa kwarto namin.

"Evil Gangster!" Halos mapatalon ako sa gulat nang makita 'ko siya sa harap 'ko.

Isa. Dalawa. Tatlo. Hindi 'ko alam kung ilang paglunok ang ginawa 'ko. Naramdaman 'ko rin ang pamumula ng pisngi 'ko. Bumaba ang tingin 'ko sa nakabalandara niyang katawan. Tanging boxer shorts lang ang saplot niya. Napakagat ako ng labi. Kahit mag-asawa na kami ay nahihiya pa rin ako sa kanya. Naalala 'ko na naman ang nangyari kagabi. Gosh! Agad 'kong ipinikit ang mata 'ko.

Para ata akong lalagnatin.

"Honey..." Napamulat ako nang maramdaman 'ko ang init na nagmumula sa katawan niya. Halos matunaw ako sa iginagawad niyang titig sa'kin. 'Yong itim na itim niyang mata na halos halug-hugin ang buong pagkatao 'ko.

Napasinghap ako nang mas hapitin niya ang beywang 'ko palapit sa kanya. Halos malimutan 'ko kung paano huminga. Shit! Hindi talaga nagbabago ang epekto niya sa'kin. Ramdam na ramdam 'ko ang paghuhurementado ng sistema 'ko.

"What should I do to you now, wife?" Naramdaman 'ko ang mga insekto sa tiyan 'ko. Sumiksik siya sa bandang leeg 'ko at bahagyang inamoy-amoy ito. Damn! Bakit ba ang sweet niya ngayon?

Gumising ako ng maaga kanina para hindi 'ko siya maabutan. Halos alas singko palang ay gising na ako. Hindi 'ko alam ang sasabihin 'ko kapag nakaharap 'ko siya. Parang nagbabalik lahat ng nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanya. Bahagya 'kong naamoy ang pabango niya. Shit! Bakit ganito kabango ang lalaking ito?

"Damn, you smell so good honey."

Halos makuryente ako sa ginawa niyang paghapit sa'kin. Halos maramdaman 'ko na iyong hulma ng katawan niya. Bakit ba ang kisig kisig ng lalaking ito? Hindi naman siya nag-eexercise! Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng ikasal kami. At ngayon nga ay nasa France kami para sa honeymoon.

"K-kumain ka na ba?" Kinakabahang tanong 'ko sa kanya. Wala akong narinig na sagot sa kanya. Mas lalo lang siyang nagsumiksik sa leeg 'ko.

Hindi 'ko mapigilang mapangiti. He's different. Daig niya pa ang isang bata sa sobrang kulit. Sa tuwing nagagalit ako sa kanya ay bigla-bigla nalang niya akong hahalikan.

"Saan ka ba kasi galing Evil Gangster? Nakipag-away ka na naman ba? Halos mamatay ako sa sobrang kaba. Ano ba Evil Gangster! Sumagot ka nga di—" Naramdaman 'ko nalang ang paglapat ng labi niya sa'kin. Literal na hindi ako makagalaw. Para akong napako sa kinatatayuan 'ko. Halos marinig 'ko na rin ang pagkabog ng puso 'ko.

"Sorry na honey. Huwag ka ng magalit." Napatingin ako sa kanya. Para siyang isang bata na pinagalitan ng mommy.

Tumalikod ako at hindi siya pinansin. "Sa sofa ka matutulog mamaya." Bago pa man ako humakbang ay naramdaman 'ko agad ang kamay niya sa braso 'ko. Napailing nalang ako.

"Sorry na honey. Promise hindi na ako makikipag-away." Napangiti nalang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon