-Twenty Nine-

8.2K 120 8
                                    

-Twenty Nine-

First Move

Ashley's POV

Pinagmasdan kong mabuti ang mga pictures na nasa kama ko. Napapangiti nalang ako.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Chloe.

"Yes, Miss Ashley?"

"Gawin muna ang dapat mong gawin. Ang ayoko sa lahat ay pumalpak. Kaya ayusin mo Chloe!"

"I will Miss Ashley!"

Ibinaba ko na ang phone. Maghintay ka lang 'Naomi Ail Mendez!'

Nam's POV

"Oh my Gee! You mean nag-date kayo ni Fafa Ji? Eh, paano na si Fafa Jarvis? Waaaaaahh~ kaw na bessy. Ang haba ng hair mo."- sabi ni Hanna with matching hampas pa sa braso ko =____=. Ang brutal talaga ng babaeng ito? Kung papuntahin ko kaya dito si Ian? Siguradong biglang hinhin yan. Hahahaha!! >:))

"Hanna!! Baka may makarinig sayo! Hinaan mo naman kahit konti ang boses mo."- saway ko kay Hanna. Pero ewan ko lang sa babaeng 'to kung may ihihina pa ba ang boses nya. Tiningnan ko pa sya ng masama.

Ngumiti lang naman sya sabay peace sign.

"Hanna, hindi nga kasi kami nag-date ni Ji, namasyal lang kami. Okay?"- pagpapaliwanag ko kay Hanna. Tiningnan naman nya ako na para bang sinisigurado kung totoo talaga ang sinasabi ko.

"Pareho lang yun Nam, nukaba! May crush siguro sayo si Fafa Ji. Sayo lang naman yun ganon eh."- sabi nya.

Malabo naman na magka-crush sakin si Ji. As in sobrang labo. Hindi ko nalang inisip ang sinabi ni Hanna. Baka mamaya sumakit pa ang ulo ko kapag masyado ko yung inisip.

"Malabo Hanna. Psh! Ano ba naman yang pinag-iisip mo."

Sumimangot naman sya.

"Okay, okay."- umigi pa sya ng upo sabay lapit sakin. "So Nam sinong mas gusto mo si OH-SO-HOT Fafa Jarvis or OH-SO-CUTE na si Fafa Ji? Kyaaaaaahh~ kainggit ka talaga bessy. Pinag-aagawan ka ng dalawang gwapo!"

=_________=

Ganyan ba talaga mag-isip si Hanna? Napapa-iling nalang ako. Iba na talaga ang utak ni Hanna. May damaged na.

"Ugh!"- tanging nasambit ng bibig ko. Ano ba naman kasing klaseng tanong yun. Si Evil Gangster? Nakakainis lang yun saka ang manyak. Si Ji? Hmmmm... mabait saka masaya ako kapag kasama sya.

"Dalii~ na Nam. Siguro si Fafa Jarvis ang crush mo ano? Hihihi, bagay na bagay kaya kayo. Go NaRvis!"- cheer pa nya. Nagsayaw sayaw pa sya habang sinasabi ang katagang "GO NaRvis!! Forever NaRvis."

Nasapo ko nalang ang mukha ko. Nasasaniban na ata talaga si Hanna.

Hanggang ngayon ginagawa nya pa rin yun. Halos lahat ng napapadaan ay napapatingin samin especially kay Hanna. Nandito kasi kami sa may garden.

"Hanna, ano ba yang ginagawa mo? Nakakahiya ang dami ng natingin."- bulong ko sa kanya. Pero parang hindi nya narinig dahil hanggang ngayon patuloy pa rin sya sa ginagawa nya. Parang may sarili syang mundo? "Pssst! Hanna!!"- mas nilakasan ko pa ang pagtawag ko sa kanya dahilan para tumigil sya at lumingon sakin.

Napansin nya siguro na pinagtitinginan sya kaya agad syang lumapit sa'kin.

"Oh! my Gee, hanggang ngayon ba naman sobrang manghang-mangha pa rin sila sa ganda ko."

O_____________o

Mukang nagkamali ata ako ng naisip. Akala ko sobrang mahihiya sya, tapos biglang ganito ang sasabihin nya. Bestfriend ko ba talaga 'to?

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon