MPG38 You're Mine

7.1K 109 5
                                    

38. YOU'RE MINE

Hinabol ko si Evil Gangster. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari.

"E-vil Gangster!"

Parang gusto ko ng umiyak ng hindi nya pinansin ang tawag ko sa kanya. Humugot ako ng malakas na buntong hininga. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nakakainis lang dahil yung isang hakbang halos tatlong hakbang ko na.

"Evil Gangster.."

Hinawakan ko sya sa braso. Nakayukom ang mga kamay nya. Ni hindi sya lumilingon sakin. Galit sya.

"Are you Ji's girlfriend, Nam?"

Halos hindi ako makagalaw sa tanong nya sakin. Hinigpitan ko ang pagkakapit sa braso nya. Halata sa tono ng boses nya na naiirita sya.Nagseselos ba sya?  Nakaramdam bigla ako ng kilig. Medyo uminit pa ang pisngi ko.

"A-re you jealous?" pumunta ako sa harap nya.

Umiwas sya ng tingin. Kumabog agad ang dibdib ko. Napapangiti ako sa naging reaksyon nya. Nagseselos sya!

"Just answer my fucking question Nam!" medyo tumaas ang boses nya.

Ngumiti ako sa kanya ng bahagya. I heard him 'tsk'.

Napaatras bigla ako ng lumapit sya sakin. Kitang-kita ko ang mga mapupungay at maiitim nyang mata, magulo nyang buhok na parang kagagaling lang sa isang gang fights at ang mapupula nyang labi. I miss this guy!

"Do you love Ji?"  hindi ko alam kung bakit ganon ang dating ng boses nya sakin. Husky. Sexy!

Hindi ko maiwasang mailang sa bawat titig nya sakin. Tagos hanggang sa kaluluwa ko. Mas lumapit pa sya sakin ng hindi ko sya sinagot.

Shit! Bakit ang bango ng hininga nya? Nakaawang pa rin ang labi nya. Damn! I really want to kiss him.

Ngumisi sya ng mapansing nakatitig ako sa labi nya. Umiwas agad ako ng tingin.

"Little perv! You want to kiss me, huh?" nakakainis bakit pati boses nya ang gandang pakinggan. Nababaliw na ata talaga ako!

Hinawakan nya bigla ang mukha ko. Lumakas pa lalo ang pintig ng puso ko. Dahan-dahan nya akong nilalapit sa mukha nya. Nakangisi pa sya sakin. Halos hindi ako makahinga! Nagtaka ako ng bigla nalang nyang inilayo ang mukha nya. Mapanuya ang mga ngiti nya.

Damn! Evil Gangster! Alam kong alam nyang gusto ko syang halikan. Nakakainis!

"I hate—"

Napapikit ako ng maramdaman ang labi nya. Hindi na 'to tulad ng dati. Medyo marahan na ito. Pinadausdos nya ang kamay nya sa bewang ko. Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon sa presensya nya. Hinawakan nya ang kamay ko at iniligay ito sa batok nya.

"I love you.." sambit nya sa pagitan ng halik namin. Hindi ko mapigilang kiligin. Uminit bigla ang pisngi ko. Mahal ko na talaga sya!

"Damn! I really miss you.."

Napatigil ako ng bigla kong maalala ang mukha ni Ji. Nagi-guilty ako. Yung malungkot nyang mukha na nakatitig sa'kin.

"Evil Gangster, p-aano si Ji?" tanong ko bigla. Tumigil din sya sa paghalik sakin.

Tumingin sya ng deretso sakin. "Don't ever think about him when you're with me."

"But—"

"No buts Nam," agad nyang pinadausdos ang kamay nya sa bewang ko. "You're mine, only mine Nam. Understand?" bulong nya sakin.

Halos lahat ata ng balahibo sa katawan ko ay tumaas. Paano nya nagagawa lahat ng ito sakin? Hinatid nya ako sa bahay. Inalok ko pa syang pumasok pero tumanggi sya.

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon