CHAPTER 56- Wrong Number.

729K 9K 1.5K
                                    

CHAPTER 56- Wrong Number.

NASH's POV

"Bitaw na Third! Bitaw na aba! Malayo na yung gagong Folkner oh! Parang maabutan ko pa yun eh no?! kaya bitaw na!"-Bryle na nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ni Third

Binitawan narin naman sya ni Third..

"Tandaan mo tong ginawa mong to sakin Third huh! " -Bryle sabay duro kay Third

"Bryle relax lang, ayusin niyo to ni Steve. May point naman sya eh, hindi naman pati dapat na manakit ka ng babae tol.." -Third

"Panung hindi ako makakapanakit eh tingnan mo naman ang ginawa ng kapatid niyang syota mo Third! Sumosobra na eh diba?! Anu ako tatanga lang huh?! eh pot*ng in* naman kung ganun!"-Bryle

"Pero pare, pano nga kung tama si Steve? Pano kung hindi naman pala si Stacy talaga ang may gawa?!" -Third

"Teka pinalalabas mo bang nagsisinungaling kami, kami pa sisisihin niyo?!" -isa dun sa babaeng kasama ni Bryle, kaklase ata to ni Stacy

"Wag ka ngang umepal dito babae! Parte parin kayo nito kaya pananagutin ko din kayo. Humanda kayo sakin!"-Bryle

"Pe-pero---"

"Wag ka ng umangal! O baka gusto mong maexpelled?!" -Bryle

"......................." tumahimik na lang yung babae

Tapos si Bryle naman bumaling  na ulit ng tingin kay Third..

"Ipanalangin mong tama yang gagong si Folkner, kasi kung mapatunayan kong yang babae niya ang talagang may kagagawan, KALIMUTAN NA NIYANG MAGKAIBIGAN KAMI!"-Bryle

"Tol seryoso?! wag mo na namang paabutin sa ganyan oh! Ang tagal na nating magkakasama tapos--"

"Kung gusto mo Third, pwede ka naring sumama sa kanya! Magsama kayo!" -Bryle

"................................." hindi na lang nakaimik si Third

"Bryle naman eh! Wag naman pati si Third aawayin mo rin. Sorry ako ang may kasalanan nito eh.. Magpapaliwanag ako Bry---" hindi na ako pinatapos ni Bryle sa pagsasalita

"Tara na sa kotse Nami!" -Bryle sabay higit sakin

"Te-teka Bryle.."

"Tara na sabi eh!" -Bryle na lalo pa akong hinigit

Galit na galit yung itsura niya, nakakatakot.

"Hoy Bryle saan mo dadalhin si Nash?! Anung gagawin mo sa kanya?!" -Katie na hinawakan yung damit ni Bryle kaya napatigil ito

"Wag ka ngang makialam dito!"-Bryle sabay tabig sa kamay ni Katie

"Anung wag makialam?! sumosobra ka na Bryle eh!" -Katie na susugod na sana kay Bryle pero pinigilan na siya ni Third

.

.

Pagsakay namin sa kotse.. Walang umiimik sa amin.. Nakakatakot kasing magsalita eh. Parang anytime na bumuka yung bibig ko eh sisigawan ako ni Bryle.

Akala ko nga kung saan niya ako dadalhin pero, tumigil lang yung sasakyan sa condominium na tinitirhan ko. Tapos kinaladkad na naman niya ako papasok sa condo unit ko.

Pag pasok namin agad niya akong binitawan tapos tumuloy sya sa kusina. Pag balik niya sa living room may tangay na syang isang galon na ice cream tapos chips. Pagtapos, umupo sya sa sofa tapos binuksan yung t.v.

"Oh Nami, bakit nakatingin ka lang dyan?! upo. " a-anu daw?

"E-eh?!"

"Hindi ka na makaintindi ng tagalog ngayon huh Nami? Ok... ganito na lang. Sit Nami, sit! =____="

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon