CHAPTER 23.5 - JEALOUS HEARTS. (part 2)

899K 10.7K 2.8K
                                    

CHAPTER 23.5 - JEALOUS HEARTS. (part 2)

TOMMY's POV

"Lalabas lang ako, natapunan ako ng coke eh. C.r. lang ako dyan na muna kayo. Kita na lang tayo sa sunod na klase."  sabi ko kila Bryle at bilis bilis na akong umalis

Paano, napisat ko na yung iniinom kong coke in can. Eh kasi kayo ba naman, marinig mong nakipaghalikan ang taong gusto mo sa iba?! Anu bang mararamdaman mo?!

Haaay, pero hindi ko naman maivoice out sa kanila na nagseselos ako. Wala naman kasi akong karapatang magselos in the first place! Tapos..kailangan ko pang itanggi sa kanila na wala akong nararadaman para kay Nash! Bakit kasi ako pinanganak na mabait?! Gusto kong maging selfish! kaso..hindi ko kaya.

.

.

*lakad lakad

Naghahanap ako ng lugar dito kung saan bihira ang mga studyante. Gusto ko munang mapag isa.

.

.

Nakahanap ako ng room na hindi masyadong ginagamit since lumang room na to at malayo sa ibang mga buildings.

Pumasok ako dun sa room. Umupo ako sa table. Tapos paulit ulit lang sa utak ko yung fact na nahalikan ni Bryle si Nash.

Damn!

Lumapit ako sa mga upuan at nagsimulang ihagis ang mga ito. Ewan ko kung anung kinagagalit ko. Yung fact na nahalikan ni Bryle si Nash?! O yunbg katotohanang wala ako sa posisyon na maramdaman tong nararamdaman ko pero..eto nga.. NAGSESELOS AKO! sobra!

Ugh! haay. Hindi ako yung tipong magwawala pero..ewan ko.. gusto ko lang ilabas ngayon tong nararamdaman ko. Naaasar ako sa sarili ko at sa sitwasyon ko. Ipit na ipit ako eh, wala akong magawa!

"Nakakainis! nakakainis talaga! Ugh! wala akong magawa! Wala ako sa posisyon magalit! Wala ako sa posisyon magselos! pero..NAGSESELOS AKO! F*ck! shit this! It sucks! haay..Nakakainis!! "  sinisigaw ko habang pinagsususuntok yung blackboard

Haaay..kung bakit kasi hindi ko kayang magpakaselfish! Hindi ko magawang ligawan si Nash kasi alam kong kasama yun sa contract nila ni Bryle. Isa pa..anu na lang ang iisipin ng mga studyante diba?! Malalaman lang nilang nagpapanggap lang sila Bryle. Kaya kahit pumayag si Bryle na ligawan ko si Nash, hindi ko parin magagawang ligawan siya. Kahit nga ang aminin kila Bryle na may nararamdaman ako para kay Nash hindi ko rin magawa! Kasi kilala ko si Bryle, magugulohan lang siya. Kailangan niya pa si Nash. Alam ko naman yung sitwasyon niya eh. Isa pa si Nash.. alam kong kailangan din niya si Bryle. Mahalaga sa kanya yung contract. Kasi para rin yun sa pangarap niya, para sa pag-aaral niya. Ayokong guluhin pa siya.

With all of these, kung selfish lang talaga ako matagal ko ng niligawan si Nash. Kahit ngayon handa kong ipagsigawan sa lahat na mahal ko siya! kaso..hindi pwede...not now.. not here.

Tuloy parin ako sa pagsuntok sa blackboard kahit na medyo masakit na sa kamay.

Pero bigla akong natigilan..

"TOMMY" bigla akong may narinig na boses ng isang babae, tinawag niya yung pangalan ko

Lumingon ako kung nasaan siya..

Si Katie?! 

Anung ginagawa niya dito?!

So nakita niya ba lahat?! It's a shame that she saw me in this state. The way that she looks at me now, she really looks kind of shocked.

Well..who wouldn't?! I'm not like this, ngayon lang ata ako nagkaganito at sa harap niya pa.

Lumakad siya palapit sakin.

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon