CHAPTER 24.7- TESTS THEY HAVE TO PASS -___- (part 3!)

830K 10.1K 1K
                                    

CHAPTER 24.7- TESTS THEY HAVE TO PASS -___- (part 3!)

BRYLE's POV

Wooooooooooh... tapos narin ang first day ng exam. Buti na lang may multiple choice! haha. Sana tumama yung mga hula ko..tss. Papasa rin naman ako kahit di ako mag-aral! wahaha.

Kamusta na kaya si Nami?!

Parang wala yun sa sarili kanina eh. Para syang zombie, magandang zombie.. este..hindi pala. Anu ba yan. It's just that kanina hindi ko siya makausap ng ayos.

Kanina nung almusal tangay tangay niya parin yung reviewer niya. Grabe..nakaen nagrereview! Tapos hanggang sa sasakyan, ewan ko ba kung iniiwasan niya akong tingnan pero kahit anung higit ko nung reviewer niya eh ayaw niya akong tingnan! Umiiwas lang ng umiiwas! Gagong babae talaga yun! Ganun ba sya talaga kaseryoso pag may exams?! Haay..boring tuloy. Hindi ko siya maasar. Hindi ako sanay ng walang kasigawan tuwing umaga. Haha..tama..tuwing umaga lage kaming nagaaway niyan eh. Sarap kasing asarin! wahaha.

Patay yun sakin ngayon.

Papunta na ako sa tambayan namin nila Third eh. Sabi ko dun na lang kami magkita ni Nami bago umuwi. Sa bahay kasi ulit sya uuwi. Request ni tanda eh. Magrereview daw ulit kami. As if nagrereview ako! wahaha.

Nauna na sila Third sakin sa tambayan kasi antagal kong magsagot. Ang bagal ko manghula eh..tsk..di man lang ako hinintay ng mga yun.

.

.

Pag dating ko sa tambayan..

.

.

*lingon lingon

Ayun si Third..

Andun din si Steve..

Si Tommy wala kasi may practice pa yun ng music..

So nasan si Nami?! dapat nandito na yun kanina pa eh. Nakasalubong ko yung best friend ni Nami kanina eh. Pauwi na. So dapat andito na si Nami.

"Hoy Bryle hinahanap mo si Nash no?!" -Steve

"Ou pano mo nalaman?!"

"Sino pa bang hahanapin mo?! tss -_-" -Third

"Tsk..pinagtataguan siguro ako ng babaeng yun."

"Bakit naman?! eh kadadaan niya nga lang dito. Sabi niya pasabi sayo paintay lang daw siya ng konti."- Steve

"Bakit daw?!"

"Ewan ko.. Pagdating niya dito nagulat na lang ako kasi imbis na ikaw ang hanapin eh si Tommy agad ang tinatanong. Nung sinabi ko kung nasaan si Tommy, ayun..agad lumabas tapos ayun pinasabi na nga lang na sabihin daw sayo na hintayin mo na lang sya dito." -Steve

"Hindi sinabi kung bakit niya hinahanap si Tommy?!"

"Hindi eh."- Steve

"Tsk.. Gusto ni Tommy si Nash tapos itong si Nash imbis na hanapin ka, nagtatakbo papunta kay Tommy. Teka..kung matatandaan ko, I saw them sa mall dati eh. Binigyan siya ng rose ni Tommy. I think kinantahan pa nga eh tapos magkayakap pa sila. Ngayon ko lang naalala. So is it possible na.. They are secretly in a relationship?! Nagselos si Tommy nung nalaman niyang hinalikan mo si Nash. Kaya etong si Nash, nagmamadaling tumakbo kay Tomm--"

Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni Third. Ewan ko.. basta basta na lang gusto kong makita si Nami, itanong sa kanya kung totoo bang sila na nga ni Tommy.

Nililihim ba talaga nila sakin na sila na?! Anu para sa kontrata?! pero..sa tingin ko hindi naman magagawa yun sakin ni Nami. Nasa rule yun diba?! Bawal maging in a relationship. Isa pa diba dapat nasabi yun sakin ni Tommy nung nagkausap kami?! He even lied about having feelings for Nami. Pwede kayang pinoprotektahan niya si Nami?! Kaya niya hindi sinabi sakin, dahil..alam niyang bawal yun sa rule. And now they are secretly meeting behind my back?!

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon